Panimula
Ang aming mga patakaran ay batay sa feedback mula sa mga tao at ang payo ng mga eksperto sa mga larangan tulad sa teknolohiya, kaligtasan ng publiko, at mga karapatang pantao. Para matiyak na pinahahalagahan ang opinyon ng lahat, pinangangalagaan naming mabuti ang paggawa ng mga pamantayan na kasama ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, lalo na mula sa mga tao at community na maaaring hindi naisasama o marginalized.
Araw-araw, ginagamit ng mga tao ang Facebook, Instagram, Messenger at Threads para i-share ang kanilang mga experience, kumonekta sa mga kaibigan at pamilya, at bumuo ng mga community. Ang aming mga serbisyo ay pinapayagan ang bilyun-bilyong tao na malayang ipahayag ang kanilang mga sarili sa mga bansa at kultura at sa maraming wika.
Kinikilala ng Meta kung gaano kahalaga sa Facebook, Instagram, Messenger at Threads na maging mga lugar kung saan mararamdaman ng mga tao na sila ay may kakayahang makipag-usap, at seryoso naming ginagampanan ang aming tungkulin upang maalis ang pang-aabuso sa aming serbisyo. Kaya gumawa kami ng mga pamantayan para sa kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa mga serbisyong ito.
Pakitandaan na ang US English version ng Mga Pamantayan ng Komunidad ay ipinapakita ang pinaka up-to-date na set ng mga patakaran at dapat gamitin bilang primary document.