IN-UPDATE OKT 14, 2025
Gusto naming magkaroon ng ligtas at positibong mga karanasan ang mga teenager sa Facebook at Instagram, kabilang na ang pagtulong sa kanila na i-explore ang kanilang mga interes habang tinitiyak na nakakakita sila ng content na naaangkop sa kanilang edad. Nagsisikap kami na maiwasan ng mga teenager na makakita ng mga hindi naaangkop na content sa tatlong pangunahing paraan: pag-alis ng content sa kabuuan kapag lumabag ito sa aming mga patakaran, pagtatago ng ilang uri ng mature o sensitibong content sa mga teenager, at pagkakaroon ng mas mahigpit na pamantayan sa aming inirerekomenda.Patuloy naming binabago ang aming pamamaraan para makatulong na matiyak na naibibigay namin sa mga teenager ang ligtas, naaangkop sa edad na mga karanasan, at para isama ang pinakamahusay na posibleng pananaliksik at payo ng eksperto para makapagbigay ng kapayapaan ng isip sa mga magulang. Nais rin namin na mahigpit na mag-align sa isang independent na pamantayan na pamilyar na sa mga pamilya, kaya ni-review namin ang aming mga alituntunin na naaayon sa edad - mga alituntunin na tumutukoy aling content ang aming itatago sa mga teenager at iwasan itong irekomenda - ayon sa PG-13 movie rating. Ang ibig sabihin nito na makikita ng mga teenager ang content na katulad sa makikita nila sa isang PG-13 na pelikula.
Tulad mo na maaaring makakita ng sensitibong content o makarinig ng masamang pananalita sa isang pelikulang PG-13, maaaring makakita minsan ang mga teenager ng tulad nito sa Instagram - pero gagawin namin ang lahat ng makakakaya namin para manatiling bihira lang hanggat maaari. Kinikilala namin na walang perpektong system, at nakatuon kami sa pagpapahusay sa pagdaan ng panahon.
Maramihang Layer ng Proteksyon
Para sa lahat: Inaalis namin ang anumang lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad. Mayroon din kaming mas mataas na pamantayan para sa uri ng content na inirerekomenda namin. ❌ Content na Inaalis NaminBinabalangkas ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad ang mga uri ng content na hindi namin pinapayagan sa Facebook at Instagram. Ganap naming inaalis ang content na ito para sa lahat - kabilang ang mga teenager - sa tuwing malalaman namin ito. Kapag inaalis namin ang content na lumalabag sa mga panuntunang ito, maaari rin kaming mag-apply ng strike sa account na nag-share nito, at dini-disable namin ang mga account na paulit-ulit o malubhang lumalabag sa aming mga patakaran. Idinisenyo ang mga patakarang ito para protektahan ang lahat sa ating komunidad, kabilang ang mga teenager. Kasama sa mga uri ng content na ganap naming inaalis, pero hindi limitado sa:
Pang-aabuso at Pananamantala
Hindi namin pinapayagan ang content na maaaring mang-abuso o pagsamantalahan ang mga tao, tulad ng mga post na naghihikayat sa walang pahintulot na sekswal na aktibidad, o pagbabahagi o paghingi ng materyal para sa pang-aabuso sa bata. Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Isang post na nag-aalok ng prostitusyon o humihiling sa isang tao na magpadala sa kanila ng pornograpiya.❌ Isang litrato ng isang tao sa isang intimate o sekswal na gawain, na ibinahagi nang walang pahintulot nila.
❌ Isang post na nag-aalok o humihingi ng materyal para sa pang-aabusong sekswal sa bata o larawan ng mga batang hubo't hubad.
Pagpapakamatay, Pananakit sa Sarili, at Mga Eating Disorder
Hindi namin pinapayagan ang content na naghihikayat, nagpaparangal, o nagpo-promote ng pagpapakamatay, pananakit sa sarili o mga eating disorder, habang binibigyan pa rin ng espasyo ang mga tao na pag-usapan ang kanilang sariling mga karanasan at humingi ng suporta. Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Isang post na positibong nagsasalita tungkol sa pagpapakamatay, pananakit sa sarili, o mga eating disorder. ❌ Isang Story na nagpapakita ng graphic na pananakit sa sarili.
❌ Isang comment na nangugutya sa isang tao dahil sa pagkakaroon ng eating disorder.
Hateful Conduct, Pambu-bully at Pangha-harass
Hindi namin pinapayagan ang content na maaaring gumawa ng pananakot o pagbubukod, kabilang ang pambu-bully at harassment. Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Isang post na gumagamit ng hindi makataong pananalita laban sa mga tao batay sa kanilang lahi, relihiyon, etnisidad, pagkakakilanlan ng kasarian, o sekswal na oryentasyon. ❌ Isang comment na nangungutya sa mga biktima ng sekswal na pang-aatake.
❌ Isang post na nagbabantang maglabas ng impormasyong personal na kumikilala (tulad ng numero ng pasaporte) o nag-uudyok ng harassment sa isang tao.
Mga Nire-restrict na Produkto at Serbisyo
Hindi namin pinapayagan ang pagbili, pagbebenta, o pagti-trade ng ilang nire-restrict na produkto at serbisyo sa aming mga platform. Hindi rin namin pinapayagan ang mga tao na mag-promote ng ilang partikular na uri ng substance o magbigay ng mga tagubilin kung paano gamitin ang mga ito. Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Isang Story na nag-o-offer na bumili, magbenta, o mag-trade ng iba't ibang uri ng droga. ❌ Isang post na gustong bumili, magbenta, o mag-trade ng tobacco, nicotine, o alak
❌ Isang comment na nag-o-offer ng mga 3D-printed na bahagi ng baril. Gumagawa kami ng ilang mga exception para sa mga lehitimong negosyo na legal na nag-o-offer ng ilang uri ng mga nire-restrict na produkto.
Nagbabanta at Graphic na Content
Hindi namin pinapayagan ang matinding graphic content, o content na maaaring magdulot ng banta sa personal na kaligtasan, gaya ng mga banta ng karahasan laban sa mga tao. Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Isang post na nagbabantang papatayin o kikidnapin ang ibang tao, o isa na naghihikayat sa iba na gumawa ng karahasan.❌ Isang graphic na video na nagpapakita ng isang taong binubugbog o malubhang nasunog.
Gumagawa kami ng ilang partikular na exception para sa graphic content sa mga kontekstong medikal o kapag ibinahagi para magbigay ng kamalayan. Kung saan namin pinapayagan ang graphic content, karaniwang tinatakpan namin ito ng isang warning screen para ipaalam sa mga tao na maaaring sensitibo ang content bago nila i-click ito.
Nudity, Sekswal na Aktibidad at Pananalita na May Sekswal na Tema
Ipinagbawal namin ang pagpapakita ng nudity o sekswal na aktibidad pati na rin ang pananalita na may sekswal na tema Halimbawa, aalisin namin ang:
❌ Inaalis namin ang mga larawan at video na naglalaman ng nudity o tahasang sekswal na aktibidad, kabilang ang nabuo ng AI.❌Isang kuwento na may tahasan o grapikong paglalarawan ng mga karansang sekswal (maliban kung ito ay nakakatawa o satirikal)
Naiintindihan naming maaaring magbahagi ng nudity dahil sa iba't ibang dahilan, kasama na ang bilang paraan ng pagpoprotesta, para magbigay ng kamalayan tungkol sa isang cause, o para magturo o gumamot. Kung saan naaangkop at kung malinaw ang nasabing layunin, gumagawa kami ng mga pagpapahintulot para sa content.
🛡️ Content na Iniiwasan Naming IrekomendaGumagawa kami ng mga rekomendasyon sa mga lugar tulad ng Reels o Explore ng Instagram o Facebook Feed para matulungan ang mga tao na tumuklas ng bagong content na maaaring interesado sila. Mayroon kaming mga alituntunin tungkol sa uri ng content na maaaring irekomenda, at iniiwasan ang paggawa ng mga rekomendasyong maaaring hindi maganda ang kalidad, hindi kanais-nais, o partikular na sensitibo—kahit na hindi gaanong malubha para alisin ang content. Ginagawa namin ito dahil sa tingin namin ay dapat magkaroon ng mas mahigpit na mga pamantayan kapag nagpapakita sa mga tao ng content mula sa mga account na hindi nila piniling i-follow. ⚠️ Karagdagang Content na Itinatago Namin sa Mga Teenager
Mga Teenager: Nag-aalok kami ng ekstrang proteksyon para sa mga teenager na mababa sa 18 taong gulang. Nagtatago kami ng mas maraming content, higit pa sa inaalis namin para sa lahat, at iniiwasan ring magrekomenda ng content sa mga teenager na inirerekomenda sa mga adult. Ang mga patakarang ito ay ginagabayan ng PG-13 rating at dinisenyo para tulungang maiwasan ng mga teenager na makakita ng content na hindi nila makikita sa isang pelikulang PG-13. Sa Instagram, ang mga teenager o kanilang mga magulang ay maaari ring mag-opt in sa mas mahigipit na setting na tinatawan na Limitadong Content, at ang mga teenager ay maaari lang ma-access ang isang ikatlo at mas nagpapahintuloy na setting - tinatawag na Marami pang content - nang may pahintulot ng magulang
13+ (ang default): Ang 13+ content setting ay ginagabayan ng PG-13 movie rating, at nasa mga teenager bilang default. Nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa kabataan sa buong mundo para maunawaan kung anong mga uri ng content ang maaaring naaangkop para sa mga adulto, pero masyadong mature para sa mga teenager na wala pang 18 taong gulang - at sinuri namin ang mga alituntuning naaangkop sa edad na ito ayon sa PG-13 movie rating. Sa setting na ito, itatago namin ang karagdagang content mula sa mga teenager higit pa sa aming inalis para sa lahat. Ibig sabihin, habang may access pa rin ang mga adulto sa content na ito, hindi makikita o makaka-interact dito ang mga teenager, kahit na nai-share ito ng isang account na pina-follow nila sa kanilang Feed o Stories. Pipigilan rin namin ang mga teenager na madiskubre, mag-follow at makipag-interact sa mga account na pangunahing nagbabahagi ng content na hindi naaayon sa edad.
Mag-click dito para makita ang mga uri ng content na itatago namin sa mga teenager sa default setting na ito.
Pagpapakamatay, Pananakit sa Sarili at Mga Eating Disorder
Itinatago namin ang ilang partikular na content na nauugnay sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili para maprotektahan ang mga teenager mula sa potensyal na nakakabagabag o sensitibong materyal. Halimbawa, nire-restrict namin sa edad ang:
⚠️ Isang post kung saan inilalarawan ng isang tao ang kanilang sariling mga personal experience sa pagpapakamatay, pananakit sa sarili o mga eating disorder, maliban sa konteksto ng recovery.
⚠️ Isang litrato o video na nagpapakita ng mga tao sa isang ospital na nagsasagawa ng euthanasia o tinulungang magpakamatay.
⚠️ Isang Story kung saan may isang nagsasalita tungkol sa kanilang ginagawa para sa labis na pagbabawas ng timbang.
Mga Nire-restrict na Produkto at Serbisyo
Itinatago namin ang content mula sa mga teenager na maaaring makaimpluwensya sa kanila na sumali sa mga aktibidad na may potensyal na makapinsala. Halimbawa, nire-restrict namin sa edad ang:
⚠️ Isang post na nag-aalok na magbenta ng tabako, mga produktong nicotine, alak, o mga baril kapag ibinahagi ng isang lehitimong brick-and-mortar na negosyo. ⚠️ Isang Story na naghihikayat sa mga tao na uminom ng mga psychedelic na gamot (kilala rin bilang mga entheogen) o mga produktong cannabis.
⚠️ Mga larawan na may mga recipe ng mga inuming alkoholiko.
⚠️ Isang post na nagbebenta ng mga produkto o serbisyo para sa pagbabawas ng timbang.
Nagbabanta at Graphic na Content
Itinatago namin ang karamihan sa mga graphic at nakakabahalang imahe mula sa mga teenager, kahit na pinapayagan namin ito sa likod ng warning screen para sa mga adulto. Halimbawa, nire-restrict namin sa edad ang:
⚠️ Isang litrato ng taong lubhang nasunog, na tatakpan namin ng warning screen para sa mga nasa hustong gulang.⚠️ Isang litrato o video ng mga pamamaril, pagiging brutal o nakamamatay na banggaan ng sasakyan.
Nudity, Sekswal na Aktibidad at Pananalita na May Sekswal na Tema
Itinatago namin ang mga karagdagang content mula sa mga teenager na hindi nagtataglay ng tahasang nudity o sekswal na aktibidad ngunit maaaring nagmumungkahi sa sekswal na paraan. Halimbawa, nire-restrict namin sa edad ang:
⚠️Isang post na halos may nudity, tulad ng nudity na tinatakpan ng digital overlay.⚠️Isang litrato na naka-zoom in sa puwitan ng isang tao.
⚠️Isang Story na may pananalita na nagmumungkahi sa sekswal na paraan na naglalahad ng karansang sekswal, kabilang ang paggamit ng mga sekswal na metapora.
Iiwasan din naming magrekomenda ng mas maraming uri ng content, kahit na ito ay alinsunod sa PG-13 rating. Marami sa content na iniiwasan naming irekomenda sa mga adulto ay ganap nang nakatago mula sa mga teenager, pero ipinagpapatuloy pa namin ito para sa mga teenager at iniiwasan naming magrekomenda ng mga karagdagang uri ng content - tulad ng mga litrato o video na maaaring iturung na tahasang sekswal, labis na pagmumura, o mapanganib na mga stunt tulad ng pagtalon sa mataas na lugar.
Limitadong Content: Sa Instagram, para sa mga magulang na nais ng karagdagang control, ipinakilala namin ang isang bago at mas mahigpit na setting na tinatawag na Limitadong Content. Kapag naka-on ang setting ng Limitadong Content, mas iaapply namin ang aming content filter nang mas matindi para itago ang mas maraming content mula sa sa karansan sa Teen Account. Mas lilimitahan din namin ang mga resulta ng paghahanap, at io-off ang kakayahan ng mga teenager na makakita, mag-iwan o makatanggap ng komento sa mga post.
Marami pang Content: Maaari lang lumipat ang mga teenager sa setting na ‘Marami pang Content’ nang may pahintulot ng magulang, na maaari lamang ibigay ng mga magulang sa pamamagitan ng supervision ng magulang. Sa setting na ito, ang mga teenager ay may benefit pa rin mula sa mga automatic na proteksyon na nagtatago ng mas maraming content sa mga teenager kaysa sa mga adulto, at aalisin pa rin namin ang mga content kung lumalabag ito sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad. Gayumpaman, maaaring mairekomenda sa mga teenager ang ilang content na hindi sila maaari sa setting na 13+ at Limitadong Content, at hindi namin itatago ang mga account na nagbabahagi ng mga content na naaangkop sa edad. Ang setting na Mas maraming Content ay hindi magbibigay ng mas mahigpitna restriction ng content sa Live, Comment, at Search na bahagi ng mga setting ng 13+ at Limitadong Content.
Paano Mag-report ng Lumalabag na Content
Nagsisikap kami nang husto para tukuyin ang content na lumalabag sa aming mga panuntunan, at maagap naming nakikita ang karamihan sa content na inaalis namin gamit ang aming technology bago ito i-report sa amin. Kung makakita ka ng isang bagay na napalampas namin, mangyaring tumulong na gawing mas ligtas na lugar ang aming mga platform sa pamamagitan ng pagre-report nito sa Facebook o Instagram. Anonymous ang lahat ng report.
Mga Karagdagang Resource
Ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad ay naglalaman ng mga detalye sa mga uri ng content na aming inaalis at nire-restrict ayon sa edad para sa bawat lugar ng patakaran. Para basahin ang mga ito, mag-click dito. Nakabuo din kami ng technology na aktibong tinutukoy ang mga potensyal na kahina-hinalang adulto, tulad ng isang adulto na paulit-ulit na bina-block o inire-report ng mga teenager, o kung ang isang adulto ay paulit-ulit na naghahanap ng lumalabag na content. Hindi namin irerekomenda ang mga kahina-hinalang adulto sa mga teenager, at hindi namin irerekomenda ang mga teenager sa mga kahina-hinalang adulto. Mababasa mo pa ang tungkol dito rito. Mababasa mo pa ang tungkol sa mga paraang ginagawa namin para mapanatiling ligtas ang aming community sa aming Safety Center, at ang mga paraang ginagawa namin para masuportahan ang mga teenager at pamilya sa aming Family Center.