Mga Pamantayan ng Komunidad

Binabalangkas ng Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa Facebook, Instagram, Messenger at Threads.
Panimula
Ang aming mga patakaran ay batay sa feedback mula sa mga tao at ang payo ng mga eksperto sa mga larangan tulad sa teknolohiya, kaligtasan ng publiko, at mga karapatang pantao. Para matiyak na pinahahalagahan ang opinyon ng lahat, pinangangalagaan naming mabuti ang paggawa ng mga pamantayan na kasama ang iba’t ibang pananaw at paniniwala, lalo na mula sa mga tao at community na maaaring hindi naisasama o marginalized.
Araw-araw, ginagamit ng mga tao ang Facebook, Instagram, Messenger at Threads para i-share ang kanilang mga experience, kumonekta sa mga kaibigan at pamilya, at bumuo ng mga community. Ang aming mga serbisyo ay pinapayagan ang bilyun-bilyong tao na malayang ipahayag ang kanilang mga sarili sa mga bansa at kultura at sa maraming wika.
Kinikilala ng Meta kung gaano kahalaga sa Facebook, Instagram, Messenger at Threads na maging mga lugar kung saan mararamdaman ng mga tao na sila ay may kakayahang makipag-usap, at seryoso naming ginagampanan ang aming tungkulin upang maalis ang pang-aabuso sa aming serbisyo. Kaya gumawa kami ng mga pamantayan para sa kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa mga serbisyong ito.
Pakitandaan na ang US English version ng Mga Pamantayan ng Komunidad ay ipinapakita ang pinaka up-to-date na set ng mga patakaran at dapat gamitin bilang primary document.
Ang aming commitment na magbigay ng opinyon
Ang layunin ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad ay gumawa ng lugar para sa pagpapahayag at bigyan ng boses ang mga tao. Gusto ng Meta na bigyan ng oportunidad ang mga tao na makapagsalita nang malaya tungkol sa mga isyu na mahalaga sa kanila, kung sa pamamagitan ng mga nakasulat na comment, litrato, music, o iba pang artistic medium, kahit maaaring hindi sumang-ayon ang ilan o nakikitang objectionable ang mga ito. Sa ilang pangyayari, pinapayagan namin ang content—na lalabag sa aming mga pamantayan—kung ito ay pinag-uusapan at para sa kapakanan ng publiko. Ginagawa lang namin ito pagkatapos sukatin ang value ng kapakanan ng publiko laban sa panganib ng pinsala, at isinasaalang-alang namin ang internasyonal na mga pamantayan sa mga karapatang pantao para gawin ang mga pagpapasya na ito. Sa iba pang kaso, maaari naming alisin ang content na gumagamit ng hindi malinaw o ipinahiwatig na wika kapag pinapayagan kami ng karagdagang context na makatwirang maintindihan na lumalabag ang content sa aming mga pamantayan.
Mahalaga ang aming commitment sa pagpapahayag, pero alam namin na ang internet ay gumagawa ng bago at nadagdagang mga oportunidad para sa pang-aabuso. Para sa mga dahilan na ito, kapag nililimitahan namin ang pagpapahayag, ginagawa namin ito para gamitin sa isa o mahigit sa mga sumusunod na pagpapahalaga:
AUTHENTICITY
Gusto namin tiyakin na authentic ang nakikitang content ng mga tao. Naniniwala kami na ang authenticity ay gumagawa ng mas magandang environment para sa pagsi-share, at kaya ayaw naming i-misrepresent ng mga taong gumagamit ng mga serbisyo kung sino sila o kung ano ang kanilang ginagawa.
SAFETY
Naka-commit na gawing ligtas na mga lugar ang Facebook, Instagram, Messenger at Threads. Inaalis namin ang content na maaaring magdulot ng panganib ng pinsala sa aktwal na seguridad ng mga tao. Ang content na nagbabanta sa mga tao ay may potensyal na mag-intimidate, magbukod o patahimikin ang ibang tao at hindi ito pinapayagan sa aming mga serbisyo.
PRIVACY
Kami ay committed sa pagprotekta ng personal na privacy at impormasyon. Ang privacy ay nagbibigay ng kalayaan sa mga tao na maging kanilang mga sarili, piliin kung paano at kailan magsi-share sa aming mga serbisyo at kumonekta nang mas madali.
DIGNIDAD
Naniniwala kami na pantay ang lahat ng tao sa dignidad at mga karapatan. Inaasahan naming na rerespetuhin ng mga tao ang dignidad ng iba at hindi i-harass o i-degrade ang iba.
Mga Pamantayan ng Komunidad
Angkop sa lahat ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad, sa buong mundo, at sa lahat ng uri ng content, kasama ang content na ginawa ng AI.
Nagsisimula ang bawat seksyon ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad sa “Paliwanag ng Patakaran” na nagtatakda ng mga layunin ng patakaran kasunod ng mga partikular na linya ng patakaran na binabalangkas ang:
Content na hindi pinapayagan; at
Content na nangangailangan ng karagdagang impormasyon o context para i-enforce, content na pinapayagan na may warning screen o content na pinapayagan pero matitingnan lang ng mga nasa hustong gulang na may edad na 18 at mas matanda.