Paliwanag ng Patakaran
Alam naming kasama sa kaligtasan ng aming mga user ang seguridad ng kanilang personal na impormasyon, mga account, profile at iba pang Meta entity na maaaring i-manage nila, pati rin ang aming mga produkto at serbisyo nang mas malawak. Ang mga pagtatangkang mangalap ng sensitibong personal na impormasyon o makibahagi sa hindi awtorisadong access sa pamamagitan ng mapanlinlang o nanghihimasok na mga pamamaraan ay nakakasama sa authentic, bukas at ligtas na kondisyon na gusto naming pagyamanin.
Hindi namin pinapayagan ang:
Mga pagtatangkang i-compromise o i-access ang mga account sa pamamagitan ng mga hindi awtorisadong paraan, kabilang ang:
Pag-access ng mga account, profile o ibang Meta entity maliban sa sariling account ng iba sa pamamagitan ng mapanlokong paraan o walang malinaw na pahintulot mula sa account, profile o may-ari ng entity.
Pagkuha, pagtamo o pag-request ng impormasyon sa pag-log in, personal na impormasyon, o iba pang sensitibong impormasyon ng user para sa layunin ng hindi awtorisadong pag-access, kabilang ang, sa pamamagitan ng mga sumusunod na tactic:
Phishing, na tinukoy bilang ang kagawian ng paggawa ng mga communication o website na naka-design para magmukhang mas pinagkakatiwalaan o kapani-paniwalang mga communication o website para sa layunin ng mapanlinlang na pagkuha ng sensitibong user information.
Social Engineering, gaya ng mga paulit-ulit o consistent na pagtatangkang ma-harvest o kunin ang mga sagot sa mga karaniwang tanong para sa recovery ng account o password.
Malware, Greyware, Spyware, o iba pang malicious code, gaya ng inilalarawan sa ibaba.
Mga pagtatangkang mag-share, mag-develop, mag-host, o mag-distribute ng malicious o harmful code, kabilang ang:
Panghihikayat o panloloko ng mga user na mag-download o mag-run ng mga file, app, o program na magko-compromise sa online o data security ng user, kabilang ang, pero hindi limitado sa:
Malware, na tinutukoy bilang code o software na naka-design para makapahamak o makakuha ng hindi awtorisadong access sa mga system. Kabilang dito ang mga program na naka-design para makapahamak ng mga computer system, pati na rin ang software na naka-design para kumuha ng pera mula sa mga biktima, tulad ng ransomware.
Spyware, na tinutukoy bilang code o software na nangongolekta ng data sa mga user at ipinapadala ito sa mga third party nang walang informed consent ng user, o na gumagamit ng data para sa mga bawal na layunin (hal., sextortion, blackmail, bawal na pag-access sa mga system).
Greyware, na tinutukoy bilang code o software na nagpapabagal sa paggamit ng hardware o software at maaaring mahirap tanggalin sa isang computer system o network.
Paggawa, pagbabahagi, o pagho-host ng malicious software kasama ang mga browser extension at mobile application, sa o nang wala sa platform na naglalagay sa panganib sa aming mga user o mga produkto at serbisyo.
Pagbabanta, pag-amin sa o pagpapahintulot sa pag-hack - Kasama ang pag-share o pag-advertise ng software, mga kurso o mga produktong nagbibigay-daan sa mga tao na iwasan ang mga security system, kabilang ang software na nanghihikayat sa pag-hack ng software o mga credential
Pagbibigay ng mga online infrastructure, kasama ang mga web hosting service, server ng domain name system, at mga ad network na nagbibigay-daan sa mga mapang-abusong link kung saan ang karamihan sa mga link na iyon sa aming mga serbisyo ay lumalabag sa spam o cybersecurity na mga seksyon ng Mga Pamantayan ng Komunidad.