Maling impormasyon
Mga detalye ng patakaran
LOG NG PAGBABAGO
Ngayong araw
Abr 7, 2025
Mar 13, 2025
Ene 7, 2025
Hul 18, 2024
Hul 9, 2024
Hun 10, 2024
May 20, 2024
Peb 6, 2024
Dis 5, 2023
Set 29, 2023
Hul 14, 2023
Paliwanag ng Patakaran
Iba ang maling impormasyon sa iba pang mga uri ng salitang natutugunan sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad dahil walang paraan para ipahayag ang malawak na listahan ng kung ano ang ipinagbabawal. Sa graphic na karahasan o mapoot na asal, halimbawa, tinututukoy ng aming mga patakaran ang content na ipinagbabawal namin, at kahit ang mga tao na hindi sang-ayon sa mga patakaran na ito ay pwedeng sundin ang mga ito. Sa maling impormasyon, gayunpaman, hindi naming maibibigay ang nasabing line. Palaging nagbabago ang mundo, at kung ano ang tama sa isang minuto ay maaaring hindi tama sa susunod na minuto. Ang mga tao ay may iba't ibang mga antas din ng impormasyon tungkol sa kanilang mundo, at maaaring maniwala na ang isang bagay ay tama pero hindi. Ang patakaran na ipinagbabawal lang ang “maling impormasyon” ay hindi magbibigay ng nakakatulong na abiso sa mga taong gumagamit ng aming mga serbisyo at magiging unforceable, dahil wala kaming perfect na access sa impormasyon.
Sa halip, ipinapahayag ng aming mga patakaran ang iba’t ibang kategorya ng maling impormasyon at sinusubukan na magbigay ng malinaw na gabay tungkol sa kung paano naming tinatrato ang salitang iyon kapag makita namin ito. Para sa bawat kategorya, ipinapakita ng aming approach ang aming pagsubok na balansehin ang aming mga value ng pagpapahayag, kaligtasan, dignidad, authenticity, at privacy.
Inaalis namin ang maling impormasyon kung malamang na direktang maging dahilan sa napipintong pisikal na pinsala. Inaalis din namin ang content na malamang na direktang maging dahilan sa interference sa paggana ng pampulitikang proseso. Sa pagtukoy kung anong bumubuo sa maling impormasyon sa mga kategoryang ito, nakipag-partner kami sa mga independent expert na may kaalaman at expertise para ma-assess ang katotohanan ng content at kung malamang na direktang maging dahilan sa panganib ng napipintong pinsala. Kasama rito, halimbawa, ang pakikipag-partner sa mga organisasyon para sa mga karapatang pantao na may presence sa isang bansa para matukoy ang katotohanan ng sabi-sabi tungkol sa civil conflict.
Para sa lahat ng iba pang maling impormasyon, nakatuon kami sa pagbawas ng paglaganap o paggawa ng isang environment na pinagyayaman ang productive dialogue. Alam namin na madalas gumamit ng maling impormasyon ang mga tao sa mga hindi nakakapinsalang paraan, tulad ng nag-e-exaggerate ng punto (“Ang team na ito ay mayroong pinakapangit na record sa kasaysayan ng sport!”) o sa humor o satire (“Nanalo ang aking asawa ng Husband of the Year.”). Sa ilang pangyayari, nagbabahagi ang mga tao ng mas personal na mga opinyon na itinuring mali ng iba o nagbabahagi ng impormasyon na naniniwala silang tama pero itinuturing ng iba na hindi kumpleto o nakakalinlang.
Pagkilala kung gaano karaniwan ang nasabing speech, nakatuon kami sa pagbibigay sa mga user ng nakakatulong na impormasyon kapag may potensyal na nakakalinlang o nakakalitong content. Bilang bahagi ng pagsusumikap na iyon, sa labas ng United States nakikipag-partner kami sa mga organisasyon ng third-party fact checking sa maraming bahagi ng mundo para suriin at i-rate ang accuracy ng pinaka viral na content sa aming mga platform (tingnan dito at dito para sa aming approach sa United States). Nagsisimula sa United States, pinapayagan ng programang Mga Community Note ang mga tao na maglagay ng higit pang konteksto sa Facebook, Instagram at Threads post na potensyal na nakakalinlang o nakakalito (tingnandito). Nagbibigay din kami ng mga resource para dagdagan ang media at digital literacy para makapagdesisyon ang mga tao kung ano ang babasahin, pagkakatiwalaan, at ibabahagi nila. Hinihiling namin sa mga tao na i-disclose, gamit ang AI-disclosure tool, kapag nagpo-post sila ng organic na content na may photorealistic video o realistic-sounding na audio na ginawa sa digital na paraan o binago, at maaaring maglagay ng mga penalty kung hindi nila magagawa ito.. Maaari rin kaming maglagay ng label sa ilang content na ginawa o binago sa digital na paraan na gumagawa ng partikular na mataas na panganib ng paglinlang ng mga tao sa isang bagay na mahalaga sa publiko.
Panghuli, ipinagbabawal namin ang content at gawi sa iba pang mga area na madalas mag-overlap sa pagkalat ng maling impormasyon. Halimbawa, ipinagbabawal ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad ang mga fake na account, fraud, at pinangasiwaang hindi tamang gawi.
Habang nagbabago at nag-e-evolve ang online at offline na mga environment, magpapatuloy kaming i-evolve ang mga patakaran na ito. Ang mga account na paulit-ulit na ibinabahagi ang maling impormasyong nakalista sa ibaba ay maaaring, dagdag pa sa pag-enforce ng kanilang content, nang alinsunod sa patakarang ito, ay nakakatanggap ng nabawasang distribution, mga limitasyon sa kanilang kakayahang mag-advertise, o maalis mula sa aming mga platform. Ang karagdagang impormasyon sa kung ano ang mangyayari kapag inalis ng Meta ang content ay makikita rito.
Mga Alituntunin
Ang maling impormasyon na inaalis namin:
Inaalis namin ang mga sumusunod na uri ng maling impormasyon:
I. Pisikal na Pinsala o Karahasan
Inaalis namin ang maling impormasyon o hindi ma-verify na mga tsismis na natukoy ng mga expert partner ay malamang na direktang nakakadagdag ng peligro sa napipintong karahasan o pisikal na pananakit sa mga tao. Tinutukoy namin ang maling impormasyon bilang content na may claim na natukoy bilang mali ng maaasahang third party. Tinutukoy namin ang hindi na-verify na sabi-sabi bilang isang claim na kinukumpirma ng mga source expert partner na napakahirap o imposibleng ma-trace, kung saan walang sapat na detalye para mapabulaanan ang claim, o kung saan masyadong kaduda-duda ang claim o masyadong hindi makatwiran para paniwalaan.
Alam namin na misan na ang maling impormasyon na maaaring lumabas na benign ay maaaring, sa partikular na konteksto, maging dahilan sa panganib ng offline na pananakit, kasama ang mga banta ng karahasan na maaaring mag-contribute sa pinatinding panganib ng pagkamatay, malubhang pinsala, o iba pang pisikal na pinsala. Nakikipagtulungan kami sa pandaigdigang network ng mga non-governmental organization (mga NGO), mga not-for-profit na organisasyon, humanitarian organization, at mga international organisasyon na may expertise sa lokal na dynamics na ito.
Sa mga bansang nakakaranas ng pinaigting na panganib na societal na karahasan, proactively kaming nakikipagtulungan sa mga lokal na partner para maunawaan kung aling mga maling claim ay maaaring direktang mag-contribute sa panganib ng napipintong pisikal na pinsala. Ngsusumikap kaming tukuyin at akisin ang content na gumagawa ng mga claim sa aming platform. Halimbawa, sa konsultasyon sa mga lokal na expert, maaari naming alisin ang wala sa kontektso na media na maling nagsasabi para magpakita ng mga pagkilos ng karahasan, mga biktima o perpetrator ng karahasan, mga armas, o military hardware.
II. Mapaminsalang Impormasyon sa Kalusugan
Kumokonsulta kami sa mga nangungunang health organization para matukoy ang maling impormasyon pangkalusugan na malamang na direktang maging dahilan sa napipintong pinsala sa kalusugan at kaligtasan ng publiko. Ang mapinsalang maling impormasyon pangkalusugan na inaalis namin kasama sa mga sumusunod:
- Maling impormasyon tungkol sa mga vaccine. Inaalis namin ang maling impormasyon tungkol sa mga vaccine kapag pinagpasyahan ng mga awtoridad sa kalusugan ng publiko na ang impormasyon ay mali at direktang maging dahilan ng napipintong mga pagtanggi sa vaccine. Kasama sa mga ito:
- Nagdudulot ng autism ang mga vaccine (halimbawa: “Ang mga nadagdagang vaccination ay ang dahilan kung bakit napakaraming bata ang may autism ngayon.”)
- Ang mga vaccine ay nagdudulot ng Sudden Infant Death Syndrome (Halimbawa: “Hindi mo ba alam na nagdudulot ng SIDS ang mga vaccine?”
- Ang mga vaccine ay nagdudulot ng sakit na dapat nitong protektahan, o ito ang dahilan sa taong binabakunahan para mas malamang na magkasakit ang tao (Halimbawa:) “Sa totoo, ang pagpapa-vaccine ay mas malamang na magdulot sa iyong magkasakit dahil may kasama itong strain ng sakit. Mag-ingat!”)
- Ang mga vaccine o ang mga sangkap nito ay nakamamatay, nakakalason, nakakasama o mapanganib (Halimbawa: “Sige, magpa-vaccine ka, kung ayos lang sa iyo na maglagay ng lason sa katawan mo.”)
- Mas ligtas ang natural na immunity kaysa sa immunity na nakuha sa vaccine (Halimbawa: “Pinakaligtas na magkasakit na lang kaysa sa vaccine.”)
- Mapanganib na magpa-vaccine ng maraming vaccine sa loob ng maikling panahon, kahit na inirerekomenda ng mga doktor ang tiyempo ng mga ito (Halimbawa: “Huwag kang magpa-vaccine ng mahigit sa isa sa isang pagkakataon, mapanganib iyon. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin sa iyo ng doktor mo!”)
- Hindi mabisa ang mga vaccine sa pagpigil ng sakit na dapat nitong protektahan. Gayunpaman, para sa mga vaccine para sa COVID-19, trangkaso at malaria, hindi namin inaalis ang mga pahayag na hindi epektibo ang mga vaccine na iyon sa pagpigil ang isang tao na magkaroon ng mga virus na iyon. (Mga halimbawa: Alisin – “Wala naman nagagawa ang mga polio vaccine para mapigilan kang magkaroon ng sakit”; Alisin – “Wala naman talagang nagagawa ang mga vaccine para mapigilan kang magkaroon ng mga sakit”: Payagan – “Hindi ka pinipigilan ng vaccine sa pagkakaroon ng COVID-19, kaya kailangan mo pa rin na mag-social distancing at magsuot ng mask kapag may kasama kang iba.”)
- Ang pagkakaroon ng tigdas ay hindi nakakamatay (kinakailangan ng karagdagang impormasyon at/o konteksto) (Halimbawa: “Huwag kang mag-alala kung magkakaroon ka ng tigdas, hindi ito nakamamatay.”)
- Kasing bisa ng mga vaccine ang Bitamina C sa pag-iwas sa mga sakit na dahilan kung bakit may mga vaccine.
- Maling impormasyon tungkol sa panahon ng mga emergency sa kalusugan na publiko. Inaalis namin ang maling impormasyon sa panahon ng mga emergency sa kalusugan ng publiko kapag pinagpasiyahan ng mga awtoridad sa kalusugan ng publiko na ang impormasyon ay mali at posibleng direktang maging dahilan ng panganib ng napipintong pisikal na pinsala, kasama ang sa pamamagitan ng pagiging dahilan sa panganib nga mga indibiduwal na magkaroon o pagkakalat ng nakakapinsalang sakit o tinatanggihan ang kaugnay na vaccine. Tinutukoy namin ang mga emergency sa kalusugan ng publiko sa pakikipag-partner sa pandaigdigan at mga lokal na awtoridad sa kalusugan.
- Pagtataguyod o pag-aadvocate para sa mapaminsalang mga milagrong lunas para sa mga problema sa kalusugan. Kasama rito ang mga paggamot kung saan ang inirerekomendang application, sa isang konteksto sa kalusugan, ay malamang maging dahilan sa panganib ng malubhang pinsala o pagkamatay, at ang paggamot ay walang lehitimong paggamit sa kalusugan (halimbawa: bleach, disinfectant, black salve, caustic soda).
III. Panghihimasok sa Botante at/o Census
Sa pagsusumikap para i-promote ang integridad ng eleksyon at sensus, inaalis namin ang maling impormasyon na malamang na direktang maging dahilan sa panganib ng panghihimasok sa kakahayang lumahok ng mga tao sa mga prosesong ito. Kasama rito ang mga sumusunod:
- Maling impormasyon tungkol sa mga petsa, lokasyon, oras, at mga pamamaraan para sa pagboto, pagpaparehistro ng botante, o paglahok sa sensus.
- Maling impormasyon tungkol sa kung sino ang maaaring bumoto, mga kwalipikasyon para sa pagboto, bibilangin ba o hindi ang boto, at kung anong impormasyon o mga bagay ang dapat ibigay para bumoto.
- Maling impormasyon tungkol sa kung tatakbo o hindi ang isang kandidato.
- Maling impormasyon tungkol sa kung sino ang pwedeng lumahok sa sensus at kung anong impormasyon o mga materyal ang dapat ibigay para makalahok.
- Maling impormasyon tungkol sa pagiging bahagi ng gobyerno sa sensus, kabilang ang kung saan naaangkop, at pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa census ng isang indibidwal sa ibang (hindi kaugnay sa sensus) ahensiya ng gobyerno .
- Mali o hindi na-verify na mga claim na ang U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) ay nasa lugar na maaaring bumoto.
- Malinaw na mga maling pahayag na magkakaroon ng COVID-19 (o ng ibang nakakahawang sakit) ang mga tao kung lalahok sila sa proseso ng pagboto.
- Mga maling na pahayag tungkol sa mga kasalukuyang kondisyon sa lugar na maaaring bumoto na gagawing imposibleng makaboto, na na-verify ng election authority.
Mayroon kaming kadaragdang patakaran na nilalayon na i-cover ang mga panawagan para sa karahasan, ang promotion ng ilegal na paglahok, at mga panawagan para sa planadong panghihimasok sa mga eleksyon, na ipinapakita sa iba pang mga seksyon ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Para sa sumusunod na content, kasama ang informative label:
Minamanipulang Media
Mae-edit sa maraming paraan ang media. Sa maraming pangyayari, benign ang mga pagbabagong ito, tulad ng content na na-crop o pinaikli para sa artistic na dahilan o nagdagdag ng musika. Sa iba pang mga pangyayari, ang pagmamanipula ay hindi kapansin-pansin at maaari itong manlinlang.
- Content na Ginawa o Binago sa Digital na Paraan na Maaaring Makalinlang. Para sa content na hindi lumalabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad, maaaring maglagay kami ng informative label sa face ng content – o tanggihan ang content na sinubmit bilang advertisement – kapag ang content ay isang photorealistic image o video, o realistic sounding audio, na ginawa o binago sa digital na paraan at gumagawa ng partikular na mataas na risk ng materyal na nililinlang ang publiko sa isang bagay na mahalaga sa publiko.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa maling impormasyon
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center