Sa Meta, naka-commit kami sa pagbibigay ng boses sa mga tao at pagpapanatiling ligtas sa kanila.

Simula pa 2016, gumamit kami ng estratehiya na tinatawag na "remove, reduce, inform" para ma-manage ang content sa Meta technologies.
Ibig sabihin nito, inaalis namin ang masamang content na lumalabag sa aming mga patakaran, binabawasan ang distribution ng may problemang content na hindi lumalabag sa aming mga patakarab, at ipinapaalam sa mga tao sa pamamagitan ng karagdagang context para makapagpasya sila kung ano ang iki-click, babasahin o isi-share.
Para tumulong sa estratehiyang ito, may mga patakakran kami na naglalarawan kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa aming mga teknolohiya. Nagtutulungan ang aming mga team para buuin ang aming mga policy at ipatupad ang mga ito. Narito kung paano ito.

1

Nakikipag-collaborate kami sa mga pandaigdigang expert sa teknolohiya, kaligtasan ng publiko at mga karapatang pantao para gumawa at i-update ang aming mga policy.

2

Gumagawa kami ng mga feature para sa kaligtasan, para mai-report ng mga tao ang content at i-block, itago o i-unfollow ang mga account.

3

Ipinapatupad namin ang aming mga policy gamit ang teknolohiya at pagre-review ng tao.
Pinapanatili naming ligtas ang mga tao at hayaang panagutin kami ng mga tao sa pagbabahagi ng aming mga policy, mga report sa pagpapatupad at transparency.
policy-image
Ang aming mga policy
Tinutukoy ng aming mga policy kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa Meta technologies. Kung lumalabag ang content sa aming mga policy, inaaksyunan namin ito.
enforcement-image
Ang aming pagpapatupad
Gumagamit kami ng teknolohiya at mga review team para matukoy, masuri at aksyunan ang milyun-milyong piraso ng content araw-araw sa Facebook at Instagram.
transparency-reports-image
Ang aming mga transparency report
Regular naming pina-publish ang mga transparency report para ipakita sa mga tao kung paano kami sa pagpapatupad ng aming mga patakaran.
ranking-image
Ang aming pamamaraan sa pagpapaliwanag ng ranking
Ang mga Artificial Intelligence (AI) system ang nagsasabi ng tungkol sa ranking ng content para sa maraming experience sa mga produkto ng Meta, tulad ng pagtingin sa Facebook Feed, panonood ng mga reel sa Instagram o pagba-browse ng Facebook Marketplace.
Mga kamakailang update