Memorialization

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Kapag pumanaw ang isang tao, pwedeng i-request ng mga kaibigan at kapamilya na i-memorialize namin ang kanyang mga account. Kapag na-memorialize na, lalabas ang salitang "Inaalala" sa itaas ng pangalan sa profile ng tao para isang memorial site na ang account na iyon. Ang pag-memorialize sa mga account ay tumutulong na gumawa ng space para sa pag-alala ng mga mahal sa buhay at pagprotekta laban sa mga sinubukang pag-log in at mga panlolokong aktibidad. Para igalang ang mga pagpiling ginawa ng isang tao habang nabubuhay siya, nilalayon naming panatilihin ang kanyang account nang walang mga pagbabago pagkatapos niyang pumanaw.
Sa Facebook, ginawa naming posible sa mga tao na tumukoy ng isang legacy contact na siyang mamamahala sa kanilang account kapag sila ay pumanaw na. Para suportahan ang nagluluksa, sa ilang mga pangyayari, maaari naming tanggalin o baguhin ang ilang content kapag ni-request ito ng legacy contact o mga kapamilya.
Ang mga request para i-memorialize ang mga Facebook o Instagram account na pagmamay-ari ng mga pumanaw na user ay maaaring magawa sa kailangang impormasyon ng:
  • Mga kaibigan sa Facebook
  • Mga follower sa Instagram
  • Mga miyembro ng pamilya na may tamang dokumentasyon
Para sa mga biktima ng pagpatay at pagpapakamatay, aalisin namin ang mga sumusunod na content sa Facebook at Instagram kung lalabas ito sa profile photo, cover photo, o sa mga kamakailang post sa timeline ng pumanaw kapag ni-request ng legacy contact o miyembro ng pamilya ng pumanaw: Maaari rin naming alisin ang content na ito sa Facebook kapag ni-request ng Facebook legacy contact:
  • Content na may kaugnayan sa pagkamatay ng namatay
  • Pagpuri o suporta para sa pagkamatay, sakit, o pinsala ng namatay
  • Visual na pagpapakita ng bagay na ginamit sa pagkamatay ng namatay.
  • Larawan ng nahatulan o inakusahang pumatay sa namatay na tao.
  • Relationship status o friend status ng hinatulan o sinasabing murderer ng pumanaw
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, kailangan namin ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para gawin ang mga sumusunod na pagbabago kapag hiniling ng awtorisadong kinatawan ng pumanaw at sa Facebook lang, ng lagacy contact:
  • Aalisin ang lumalabag na mga comment sa isang na-memorialize na profile, na karaniwang kakailanganin ng tao na i-report niya mismo para malaman naming hindi ito ninanais.
  • Babaguhin ang mga privacy setting ng namatay na indibiduwal para sa mga kaibigan lang mula sa naka-public kapag may mapaminsalang content sa profile
  • Baguhin ang pangalan sa profile kung nilalabag nito ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad, ayon sa aming patakaran sa Tunay na Pangalan
  • Idagdag ang mga kaibigan o follower sa profile kung inalis sila kasunod ng pagkamatay ng namatay
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Ang mga panlabas na eksperto, academic, mga NGO, at gumagawa ng patakaran ay tumutulong na sabihin ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol memorialization
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anuman sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center