Pambu-bully at Pangha-harass

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Nangyayari ang pangbu-bully at pangha-harass sa maraming lugar at sa maraming iba't ibang paraan mula sa mga pagbabanta at paglalabas ng personal na kumikilalang impormasyon hanggang sa pagpapadala ng mga mensaheng nagbabanta at paggawa ng mga hindi ninanais na mapaminsalang pakikipag-ugnayan. Hindi namin pinapayagan ang ganitong uri ng asal dahil pinipigilan nito ang mga tao na makaramdam na sila ay ligtas at iginagalang sa Facebook, Instagram, at Thread.
Tinutukoy namin ang kaibahan sa pagitan ng mga public figure at pribadong tao dahil gusto naming payagan ang talakayan, na kadalasang kinabibilangan ng mahalagang opinyon ng mga tao na naka-feature sa mga balita o may malaking pampublikong audience. Para sa mga public figure, tinatanggal namin ang mga pang-aatake na malubha pati rin ang ilang pang-aatake kung saan ang public figure ay direktang naka-tag sa post o comment. Tinutukoy namin ang mga pampublikong personalidad bilang mga opisyal ng gobyerno ng state at national level, mga pampulitikang kandidato para sa mga katungkulan na iyon, mga taong may mahigit sa isang milyong fan o follower sa social media at mga taong nakakatanggap ng malaking news coverage.
Para sa mga pribadong tao, mas pinalalawig pa ang aming proteksyon: Tinatanggal namin ang content na nilalayong pababain ang pagkatao o manghiya, kasama ang, halimbawa, mga pahayag tungkol sa sekswal na gawain ng isang tao. Kinikilala namin na maaaring magkaroon ng epekto sa damdamin ng mga menor de edad ang pangbu-bully at pangha-harass, kaya ang aming mga patakaran ay nagbibigay ng pinaigting na proteksyon para sa kahit sino na wala pang 18, anuman ang status ng user.
Mahalaga ang konteksto at nilalayon, at pinapayagan namin ang mga tao na mag-post at mag-share kung malinaw na na-share ang isang bagay upang kondenahin o kumuha ng pansin sa pangbu-bully at pangha-harass. Sa ilang mga pangyayari, hinihiling namin ang sariling pagre-report dahil tinutulungan kami nitong maintindihang nakakaramdam ang taong tina-target na binu-bully o hina-harass. Dagdag pa sa pagre-report ng nasabing gawi at content, hinihikayat namin ang mga tao na gumamit ng mga tool na available sa aming mga platform para tumulong na magbigay ng proteksyon laban dito.
Mayroon din kaming Bullying Prevention Hub, na isang resource para sa mga teenager, magulang, at tagaturo na naghahanap ng suporta para sa mga isyung may kaugnayan sa pangbu-bully at iba pang mga conflict. Nagbibigay ito ng step-by-step na gabay, kasama ang impormasyon sa kung paano sisimulan ang mahahalagang pag-uusap tungkol sa pangbu-bully. Alamin pa dito ang tungkol sa ginagawa namin para maprotektahan ang mga tao sa pangbu-bully at pangha-harass.
Tandaan: Hindi naaangkop ang patakarang ito sa mga indibiwal na bahagi ng mga itinalagang oraganisasyon sa ilalim ng patakaran sa Mga Mapanganib na Organisasyon at Indibidwal o mga indibidwal na pumanaw bago ang 1900.
Tier 1: Mga universal na proteksyon para sa lahat:
  • Lahat ay pinoprotektahan mula sa:
    • Hindi gustong pakikipag-ugnayan na:
      • Umuulit,O
      • Sekswal na nangha-harass, O
      • Pinupuntirya ang maraming tao nang walang paunang pahinulot para gawin ito.
    • Panawagan para sa pananakit sa sarili o pagpapakamatay ng isang partikular na tao, o grupo ng mga indibidwal.
    • Pang-aatake batay sa kanilang experience ng sekswal na pang-aatake, sekswal na pananamantala, sexual harassment, o pang-aabuso sa tahanan.
    • Mga pahayag na may layuning sumali sa isang sekswal na aktibidad o pag-a-advocate para sumali sa isang sekswal na aktibidad.
    • Matinding sexualized na komentaryo.
    • Mapanirang sexualized ba photoshop o mga drawing
    • Pang-aatake sa pamamagitan ng mga mapanirang salita na may kaugnayan sa sekswal na aktibidad (halimbawa: kalapating mababa ang lipad, puta).
    • Mga pag-claim hindi nangyari ang marahas na trahedya.
    • Mga claim na nagsisinungaling ang mga indibidwal tungkol sa pagiging biktima ng marahas na trahedya o pang-aatake ng terorista, kasama ang mga pag-claim na sila ay:
      • Umaarte o nagpapanggap na isang biktima ng partikular na event, o
      • Binayaran o kinuha sa trabaho para manlinlang ng mga tao tungkol sa kanilang role sa pangyayari.
  • Nagbabantang ilabas ang pribadong phone number ng indibidwal, residential address, email address o mga medical record (gaya ng tinukoy sa patakaran sa Mga Paglabag sa Privacy).
  • Panawagan para sa, o mga pahayag na may layuning sumali sa, pambu-bully at/o pangha-harass.
  • Content na nagpapababa ng pagkatao o nagpapahayag ng pagkamuhi sa mga indibiduwal na ipinapakita habang, o pagkatapos reglahin, umihi, sumuka, o dumumi.
  • Lahat ay protektado mula sa sumusunod, pero para sa mga pampublikong personalidad na nasa hustong gulang, dapat sinasadyang na-expose sa:
    • Mga panawagan para sa kamatayan at pahayag na pabor sa pagkakaroon o pag-develop ng medikal na kondisyon.
    • Pagdiriwang o pangungutya sa kamatayan o medikal na kondisyon.
    • Mga claim na tungkol sa mga nakakahawang sakit na nakukuha sa sekswal na paraan.
    • Mga pahayag ng inferiority tungkol sa hitsura.
Tier 2: Karagdagang proteksyon para sa lahat ng Menor de Edad, Pribadong Nasa Hustong Gulang at Mga Pampublikong Personalidad na may Limitadong Scope (halimbawa, mga indibiduwal na ang pangunahing kasikatan ay limitado sa kanilang activism, journalism o ang mga magiging sikat sa pamamagitan ng hindi boluntaryong paraan) ng:
  • Dagdag pa sa mga universal na proteksyon para sa lahat, lahat ng menor de edad (mga pribadong indibidwal at mga pampublikong personalidad), mga pribadong nasa hustong gulang at mga pampublikong personalidad na may limitadong scope ay pinoprotektahan mula sa:
  • Ang lahat ng menor de edad (mga pribadong indibidwal at pampublikong personalidad), ,ga pribadong nasa hustong gulang at mga pampublikong personalidad na may limitadong scopprivate adults and limited scope public figures) ay protektado mula sa mga sumusunod, pero para sa mga pampublikong personalidadna na menor de edad, dapat sinasadyang na-expose sa
    • Pagkukumpara na nakakapagpababa ng pagkatao (nakasulat o visual na paraan) sa o tungkol sa:
      • Mga hayop at insekto, kasama ang mga subhuman creature, na nakikita ayon sa kultura bilang mababa.
      • Bacteria, mga virus, microbe, at mga sakit.
      • Mga walang buhay na bagay, kasama ang basura, filth, tae.
  • Content na nangmamanipula para i-highlight, bilugan o kaya ay makakuha ng pansin sa negatibong paraan sa mga partikular na pisikal na katangian (ilong, tainga, at iba pa).
  • Content na nira-rank ang mga ito batay sa pisikal na hitsura o mga character trait.
  • Content na namamahiya sa mga indibidwal na ipinapakitang pisikal na nabu-bully (maliban sa mga konteksto ng fight sport).
Tier 3: Karagdagang proteksyon para sa Mga Pribadong Menor de Edad, Mga Pribadong Nasa Hustong Gulang, at Hindi Boluntaryong mga Pampublikong Personalidad na Menor de Edad:
  • Dagdag pa sa lahat na nakalistang proteksyon sa itaas, ang lahat ng pribadong menor de edad, mga pribadong nasa hustong gulang (dapat mag-self report), at hindi boluntaryong mga pampublikong personalidad na menor de edad ay protektado mula sa:
    • May pinupuntirya na pagmumura.
    • Mga pahayag tungkol sa romantic involvement, sekswal na oryentasyon o kinikilalang kasarian.
    • Mga panawagang kumilos, mga pahayag ng layunin, mga pahayag na may hangarin o kondisyon, o mga pahayag na nag-a-advocate o sinusuportahan ang exclusion.
    • Hindi magandang ugali o mga pahayag tungkol sa kakayahan, maliban sa konteksto ng mga kriminal na alegasyon at mga business review laban sa mga taong nasa hustong gulang.
    • Mga pagpapahayag ng contempt, pagkamuhi, o content na tinatanggihan ang existence ng isang indibidwal, maliban sa konteksto ng mga kriminal na paratang laban sa mga taong nasa hustong gulang
  • Kapag ni-report ng sarili, ang mga pribadong menor de edad, mga pribadong nasa hustong gulang, at hindi boluntaryong mga pampublikong personalidad na menor de edad ay protektado mula sa:
    • Pambu-bully ng taong nagkukuwento.
    • Hindi ninanais na minamanipulang larawan.
    • Pagkukumpara sa iba pang pampubliko, hindi tunay o mga pribadong tao batay sa pisikal na hitsura.
    • Mga pahayag tungkol sa pagkakakilanlan ng relihiyon o pang-iinsulto o kalapastangan sa Diyos
    • Pagkukumpara sa mga hayop o mga insekto na hindi nagpapahiwatig ng kahinaan sa isip o katawan (“tigre,” “leon”).
    • Mga pisikal na paglalarawan na positibo o walang pinapanigan .
    • Hindi negatibong pagkatao o mga pahayag tungkol sa kakayahan.
    • Mga pang-aatake sa pamamagitan ng mga mapanirang salita na may kaugnayan sa kawalan ng sekswal na aktibidad.
Tier 4: Karagdagang proteksyon para sa mga Pribadong Menor de Edad lang:
  • Ang mga menor de edad ang nakakakuha ng pinakamaraming proteksyon sa ilalim ng aming patakaran. Dagdag pa sa lahat ng mga nakalistang proteksyon sa itaas, protektado rin ang mga pribadong menor de edad mula sa:
    • Mga alegasyon tungkol sa kriminal o ilegal na gawi.
    • Mga video ng pisikal na pangbu-bully laban sa mga menor de edad, na ibinabahagi sa anumang konteksto.
    • Mga mapanirang salita kaugnay sa pagmumura sa babaeng kasarian.
Pambu-bully at pangha-harass sa pamamagitan ng mga page, group, event at message
  • Ang mga proteksyon ng mga Tier 1 hanggang 4 ay ipinapatupad din sa mga page, group, event at message.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
Huwag:
  • Mag-post ng content na tina-target ang mga pribadong tao sa pamamagitan ng mga hindi ninanais na Page, Group at mga Event. Inaalis namin ang ganitong content kapag ito ay ni-report ng target o ng isang awtorisadong kinatawan ng target.
  • Mag-post ng content na inilarawan sa itaas na kakailanganin i-report ng target ang content o kung saan ay sinasabi na ang poster ay direktang tina-target ang target (halimbawa: naka-tag ang target sa post o comment). Aalisin namin ang ganitong content kung nakumpirma namin mula sa target o sa awtorisadong kinatawan ng target (buhay o pumanaw) na hindi ninanais ang content.
  • Mag-post ng content na nananawagan o nagsasabi ng kagustuhang sumali sa gawain na maaaring kwalipikado sa aming mga patakaran bilang pambu-bully at pangha-harass. Aalisin namin ang ganitong content kapag nakumpirma namin sa target o sa isang awtorisadong kinatawan ng biktima na hindi ninanais ang content.
  • Mag-post ng content na nagse-sexualize ng isang public figure. Aalisin namin ang ganitong content kapag nakumpirma namin sa target o sa isang awtorisadong kinatawan ng biktima na hindi ninanais ang content.
  • Magsimula ng contact na sekswal na hina-harass ang tatanggap. Aalisin namin ang anumang na-share sa hindi ninanais na konteksto kapag mayroon kaming kumpirmasyon mula sa tatanggap, o awtorisadong kinatawan ng tatanggap na hindi.
  • Alisin ang direktang mass harassment, kapag:
    • Tina-target, sa pamamagitan ng anumang surface, ‘mga indibiduwal na matindi ang panganib sa offline na pinsala’, tinutukoy bilang:
      • Mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao
      • Mga menor de edad
      • Mga biktima ng mga marahas na pangyayari/trahedya
      • Mga oposisyon sa mga nanganganib na bansa sa panahon ng eleksyon
      • Mga opisyal sa eleksyon
      • Mga tumututol sa gobyerno na pinupuntirya batay sa kanilang status bilang tumututol
      • Mga minority sa etniko at relihiyon sa mga conflict zone
      • Member ng itinalaga at kinikilalang grupo na nanganganib
    • Pinupuntirya ang sinumang indibiduwal sa pamamagitan ng mga personal na surface, tulad ng inbox o mga profile, sa pamamagitan ng:
      • Content na lumalabag sa mga patakaran sa pambu-bully at pangha-harass para sa mga pribadong indibiduwal o,
      • Hindi kanais-nais na content na batay sa isang protektadong katangian
  • Pag-disable ng mga account na nakikibahagi sa mass harassment bilang bahagi ng alinman sa
    • State o mga network ng may kaugnayan sa state na pumupuntirya sa sinumang indibiduwal sa anumang surface.
    • Mga network ng mga tumututol na pumupuntirya sa sinumang indibiduwal sa anumang surface sa pamamagitan ng:
      • Content na lumalabag sa mga patakaran sa pambu-bully at pangha-harass para sa mga pribadong indibiduwal o,
      • Content na pumupuntirya sa kanila batay sa isang protektadong katangian, o,
      • Content o gawi na dili kaya’y itinuturing na hindi kanais-nais sa lokal na konteksto
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa pambu-bully at pangha-harass
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center