Authentic Identity Representation

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Napakahalaga ng authenticity sa aming community. Naniniwala kaming nakakatulong ang authenticity sa paggawa ng community kung saan may pananagutan ang mga tao sa isa't isa, at sa Meta, sa mga makabuluhang paraan. Gusto naming payagan ang maraming paraan ng pagpapahayag ng pagkakakilanlan sa aming global community, habang pinipigilan din ang panggagaya at pagbibigay ng maling pagkakakilanlan. Para magpanatili ng ligtas at bukas na kapagiliran kung saan maaaring magtiwala sa isa’t isa ang mga tao at bumuo ng komunidad, hindi namin pinapayagan ang paggawa ng mga account o profile na ginawa o ginamit para linlangin ang iba
Sa Facebook, hinihiling namin sa mga tao na gumawa ng isang account gamit ang kanilang pangalan sa araw-araw na buhay na kumakatawan sa kanilang tunay na identity. Ginawa namin ang Mga Karagdagang Profile para tulungan ang mga tao na ipahayag ang iba’t ibang aspeto ng kanilang identity, tulad ng mga interes o mga business.
Hindi namin pinapayagan ang paggamit ng aming mga serbisyo at lilimitahan o idi-disable ang mga account sa Facebook, Instagram at Threads account o iba pang mga entity ng Facebook (tulad ng mga Page, group) na:
  • Pagmamay-ari ng mga batang wala sa hustong gulang
  • Gayahin ang ibang tao o entity sa pamamagitan ng:
    • Paggamit ng kanilang (mga) image, pangalan, o katulad na may layunin na linlangin ang iba
    • Magsasalita sa boses ibang tao o entity na hindi awtorisadong gawin ng user (hal. sa paggawa ng Page o Profile)
  • Nakikibahagi sa pagsisinungaling sa pagkakakilanlan para lituhin o dayain ang iba, iwasan ang pagpapatupad, o labagin ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad. Isinasaalang-alang namin ang dami ng factor kapag ina-assess ang nakakalitong identity misrepresentation, tulad ng:
    • Paulit-ulit o malaking pagbabago sa mga detalye ng pagkakakilanlan, tulad ng pangalan o edad
    • Nakakalitong impormasyon sa profile, tulad mga bio detail at lokasyon ng profile
    • Gumagamit ng stock imagery
  • Gumagamit ng pangalan na naglalaman ng mga paglabag ng aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Sa Facebook, hihingi kami ng karagdagang impormasyon bago gumawa ng mga aksyon mula sa pansamantalang paghihigpit sa mga account hanggang sa permanenteng pag-disable sa mga profile o mga account kung ikaw ay:
  • Magbibigay ng maling petsa ng kapanganakan
  • Gumamit ng pangalan na hindi authentic na pangalan na ginagamit mo sa araw-araw
  • Gumawa ng iisang account na kumakatawan o na ginagamit ng mahigit na isang tao.
  • Gumawa o panatilihin ang maraming Facebook account
  • Gumawa ng account na kumakatawan sa entity na hindi tao, tulad ng negosyo, alagang hayop, o fictional character
  • Panatilihin ang mga walang laman na profile na matagal nang hindi ginagamit
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong sa authentic na representation ng identity
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center