Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal
Mga detalye ng patakaran
LOG NG PAGBABAGO
Ngayong araw
Peb 9, 2024
Dis 30, 2023
Ago 30, 2023
Abr 28, 2023
Dis 24, 2021
Nob 25, 2021
Okt 16, 2021
Ago 27, 2021
Hun 24, 2021
Okt 23, 2020
Ago 28, 2020
Peb 28, 2020
Okt 11, 2019
Set 28, 2019
Dis 29, 2018
Paliwanag ng Patakaran
Bilang pagsusumikap na maiwasan at mapigilan ang tunay at aktwal na pinsala, hindi namin pinapayagan ang mga organisasyon o indibiduwal na nagpapahayag ng marahas na layunin o kasali sa karahasan na magkaroon ng presence sa aming mga platform. Ina-assess namin ang mga entity na ito batay sa kanilang gawi sa online at offline, higit sa lahat, sa kanilang mga kaugnayan sa karahasan. Sa ilalim ng patakarang ito, itinatalaga namin ang mga indibiduwal, organisasyon at mga network ng mga tao. Nahahati sa dalawang tier ang mga pagtatalagang ito na nagsasaad ng antas ng pagpapatupad sa content, kung saan ang Tier 1 ay nagreresulta sa pinakamalawak na pagpapatupad dahil naniniwala kami na ang mga entity na ito ay may pinaka-direktang kaugnayan sa offline na pinsala.
Nakatuon ang Tier 1 sa mga entity na kabilang sa mga seryosong offline na pinsala, kabilang ang pag-oorganisa o pag-a-advocate ng karahasan sa mga sibilyan, paulit-ulit na pagmamalupit o pag-a-advocate ng pinsala sa mga tao batay sa mga protektadong katangian o pagsali sa mga sistematikong kriminal na operasyon. Kabilang sa Tier 1 ang mga organisasyong nagdudulot ng poot; mga organisasyong nagdudulot ng krimen, kabilang ang mga itinalaga ng gobyerno ng United States bilang Mga Specially Designated Narcotics Trafficking Kingpin (mga SDNTK); at mga organisasyon ng terorista, kabilang ang mga entity at indibiduwal na itinalaga ng gobyerno ng United States bilang Mga Foreign Terrorist Organization (mga FTO) o Mga Specially Designated Global Terrorist (mga SDGT). Inaalis namin ang Pagpuri, Suporta at Representasyon ng mga entity na nasa Tier 1, kanilang mga pinuno, founder o mga prominenteng miyembro, pati rin ang hindi malinaw na pagbanggit sa kanila.
Dagdag pa rito, hindi namin pinapayagan ang content na pumupuri, sumusuporta o kumakatawan sa mga pangyayari na itinalaga ng Meta bilang mga lumalabag na marahas na pangyayari - kabilang ang mga pang-aatake ng terorista, mga mapoot na kaganapan, karahasan na maraming biktima o pagtangkang gumawa ng karahasan na maraming biktima, serial na pagpatay o mga hate crime. Hindi rin namin pinapayagan ang (1) Pagpuri, Suporta o Representasyon ng (mga) suspek ng mga nasabing pang-aatake; (2) content na ginawa suspek kaugnay sa mga nasabing pang-aatake; or (3) mga larawan ng third-party na nagpapakita ng sandali ng mga nasabing pang-aatake sa mga nakikitang biktima. Inaalis din namin ang content na Pumupuri, Sumusuporta o Nire-represent ang mga ideyolohiya na nagpo-promote ng poot tulad ng nazism at white supremacy, Inaalis namin ang hindi malinaw na pagbanggit sa mga itinalagang mga pangyayari o ideyolohiya.
Kasama sa Tier 2 ang mga Marahas Non-State Actor na nakikibahagi sa karahasan labang sa estado o mga military actor sa armed conflict pero hindi intensyon na i-target ang mga sibilyan. Kasama rin ang Violence Inducing Entities na nakikibahagi sa paghahanda o pag-advocate para sa karahasan sa hinaharap pero hindi kinailangang makibahagi sa karahasan sa kasalukuyan. Mga entity din ang mga ito na maaaring paulit-ulit na nakikibahagi sa mga paglabag sa aming mga patakaran sa Hate Speech o Mapanganib na mga Organisasyon at Indibiduwal sa o wala sa platform. Inaalis namin ang Pagpuri, Material na Suporta at Representasyon ng mga entity, kanilang mga pinuno, founder o mga prominenteng miyembro, pati rin ang hindi malinaw na pagbanggit sa kanila.
Alam namin na maaaring magbahagi ng content ang mga user na kasama ang mga pagbanggit sa mga itinalagang mapanganib na organisasyon at indibiduwal sa konteksto ng panlipunan at pampulitika na pag-uusap. Kasama sa content na ito ang pag-report sa, walang pinapanigang talakayan o pagkondena ng mapanganib na mga organisasyon at indibiduwal o ang kanilang mga aktibidad
Kasama sa news reporting ang impormasyin na ibinabahagi para magbigay ng kamalayan na tungkol sa lokal at mga pandaigdigang kaganapan kung saan kabilang ang mga itinalagang organisasyon at indibiduwal.
- Hal. “Breaking News: Sinabi ni Al-Shabab ang responsibilidad para sa pang-aatake sa Somalia”
- Hal. “Timeline at pagsusuri ng eksperto: Kung paano nagsimula ang pamamaril sa Buffalo Supermarket at kung ano ang sinabi ng may sala sa korte”
Kasama sa walang pinapanigang talakayan ang mga totoong pahayag, komentaryo, mga tanong, at iba pang impormasyon na hindi nagpapahayag ng magandang paghuhusga sa itinalagang mapanganib na organisasyon o indibiduwal at ang kanilang gawi.
- Hal. “Nagpapakita ng mas kaunting pagbabanta ang Al Qaeda kaysa sa ISIS dahil sa kakulangan ng pamumuno at pananalapi”
- Hal. “Si Anders Breivik ay isang halimbawa ng kung gaano kahirap ang radicalization process”
Kasama sa pagkondena ang hindi pag-apruba, pagkadismaya, pagtanggi, pagpuna, pangungutya, at iba pang hindi magandang pahayag tungkol sa itinalagang mapanganib na organisasyon o indibiduwal at ang kanilang gawi.
- Hal. “Nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa krimen ni Salvador Ramos. Masyadong tumatak sa akin ang mga salita ng hukom. Hindi siya dapat kaawaan ng hukuman”
- Hal. “Ang mga krimen ni Hitler ay hindi kailanman malilimutan. Ilan ito sa pinakamalungkot na sandali sa kasaysayan”
Idinisenyo ang mga patakaran para magbigay ng puwang sa ganitong mga uri ng talakayan habang kasabay nito ay nililimitahan ang mga panganib ng posibleng pinsala offline. Gayunpaman, hinihiling ng Meta na “malinaw na sabihin ng mga tao ang kanilang layunin kapag gumagawa o nagse-share ng nasabing content. Kung malabo o hindi malinaw ang intensyon ng user, naka-default kami sa pag-alis ng content.
Alinsunod sa international na batas sa mga karapatang pantao, pinapayagan ng aming mga patakaran ang mga talakayan tungkol sa mga karapatang pantao ng mga itinalagang inbiduwal o mga miyembro ng itinalagang mga mapanganib na entity, maliban kung kasama sa content ang iba pang papuri, suporta, o representasyon ng mga itinalagang entity o iba pang mga paglabag ng patakaran, tulad ng panghihimok na gumawa ng karahasan.
Pakitingnan ang aming Corporate Human Rights Policy para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming commitment sa kilala sa buong mundo na mga karapatang pantao.
Inaalis Namin ang:
Tinatanggal namin ang Pagpuri, Suporta at Representasyon ng iba’t ibang mga mapanganib na organisasyon at indibiduwal. Naaangkop ang mga konseptong ito sa mga organisasyon mismo, ang kanilang mga aktibidad at kanilang mga miyembro. Hindi ipinagbabawal ng mga konseptong ito ang mapayapang pag-a-advocate ng mga partikular na pampulitikang kahihinatnan.
Pagpuri, na tinutukoy bilang alinman sa nasa ibaba:
- Ang pagiging lehitimo o ipinagtatanggol ang marahas o mapoot na mga pagkilos ng itinalagang entity sa pamamagitan ng pag-claim na ang mga pagkilos na ito ay may moral, pampulitika, logical o iba pang pagbibigay katwiran na ginagawang katanggap-tanggap o makatwiran ang mga ito.
- Hal. “Walang ginawang mali si Hitler.”
- Inilalarawan o ipinagdiriwang ang karahasan o poot ng itinalagang entity bilang nakamit o accomplishment;
- Hal. “Nananalo sa digmaan si Hizbul Mujahideen para sa malaya at independent na Kashmir”
- Ang minimithing pahayag ng pagiging miyembro o pahayag na gusto mong maging itinalagang entity o ang may sala ng lumalabag na marahas na kaganapan.
- Hal. “Sana makasali ako sa ISIS at maging bahagi ng Khilafah”
Tinatanggal namin ang Pagpuri ng mga entity at mga itinagalagang kaganapan na nasa Tier 1 at Tier 2.
Para sa Tier 1 at mga itinalagang kaganapan, maaari rin naming alisin ang hindi malinaw o walang konteksyon na mga pagbanggit kung hindi isinaas nang malinaw ang layunin ng user. Kasama rito ang hindi malinaw na humor, walang caption o mga positibong pagbanggit na hindi pinupuri ang karahasan o hate ng itinalagang entity.
Suporta, na tinutukoy bilang alinman sa nasa ibaba:
- Materyal na Suporta
- Anumang pagkilos na pinagaganda ang pinansyal na katayuan ng isang itinalagang entity – kabilang ang pagpapadala ng pera sa o mula sa itinalagang entity;
- Halimbawa, “Mag-donate sa KKK!”
- Anumang pagkilos na nagbibigay ng tulong na materyal sa isang itinalagang entity o kaganapan;
- Halimbawa, “Kung gusto mong magpadala ng mga care package sa Sinaloa Cartel, gamitin ang address na ito.”
- Pagre-recruit sa ngalan ng itinalagang entity o kaganapan;
- Halimbawa, “Kung gusto mong ipaglaban ang Caliphate, mag-DM sa akin”
- Iba pang Suporta
- Pagpapadala ng impormasyon o mga resource, kabilang ang mga official communication, sa ngalan ng itinalagang entity o kaganapan
- Halimbawa, Direktang pag-quote sa itinalagang entity nang walang caption na nagkokondena, walang kinikilingang nagtatalakay o ay bahagi ng pag-uulat ng balita.
- Panawagan sa ngalan ng isang itinalagang entity o kaganapan;
- Hal. "Kontakin ang Atomwaffen Division – (XXX) XXX-XXXX"
Inaalis namina ang lahat ng Suporta ng Tier 1 at Material Support ng Tier 2.
Pagkatawan, na tinutukoy bilang alinman sa nasa ibaba:
- Sinasabi na ikaw ay miyembro ng isang itinalagang entity, o na isang itinalagang entity;
- Halimbawa, “Ako ay grand dragon ng KKK.”
- Gumagawa ng Page, Profile, Event, Group o iba pang Facebook entity na o sinasabing pagmamay-ari ng isang Itinalagang Entity o pinatatakbo sa ngalan nila, o ay o sinasabing isang itinalagang kaganapan.
- Halimbawa, Isang Page na may pangalang “Ameican Nazi Party.”
Inaalis namin ang Representasyon ng Mga Itinalagang Organisasyon na nasa Tier 1 at 2 at mga itinalagang kaganapan.
Mga Uri at Mga Tier ng Mga Mapanganib na Organisasyon
Tier 1: Terorismo, inorganisang pang-aatake ng indibiduwal na bunsod ng galit, large-scale na kriminal na aktibidad, pagtangkang karahasan sa maraming biktima, karahasan sa maraming biktima, mga sunod-sunod na pagpatay at mga lumalabag na marahas na kaganapan
Hindi namin pinapayagan ang mga indibiduwal o organisasyong kabilang sa inorganisang krimen, kabilang ang mga itinalaga ng gobyerno ng United States bilang mga specially designated narcotics trafficking kingpin (mga SDNTK); pagkapoot; o terorismo, kabilang ang mga entity na itinalaga ng gobyerno ng United States bilang Mga Foreign Terrorist Organization (mga FTO) o Mga Specially Designated Global Terrorist (mga SDGT), na magkaroon ng presence sa platform. Hindi rin namin pinapayagan ang ibang tao na kumatawan sa mga entity na ito. Hindi namin pinapayagan ang mga pinuno o mga prominenteng miyembro ng mga organisasyong ito na magkaroon ng presence sa platform, mga simbolong kumakatawan sa kanila na gagamitin sa platform, o content na pumupuri sa kanila o sa kanilang mga pagkilos, kasama ang hindi malinaw na mga pagbanggit sa kanila. Dagdag pa rito, inaalis namin ang anumang suporta para sa mga indibiduwal at organisasyong ito.
Hindi namin pinapayagan ang content na pumupuri, sumusuporta, o kumakatawan sa mga kaganapan na itinalaga ng Meta bilang mga pang-aatake ng terorista, mga mapoot na kaganapan, karahasan na maraming biktima o pagtangkang gumawa ng karahasan na maraming biktima, maraming pagpatay o mga hate crime o lumalabag na mga marahas na kaganapan. Hindi rin namin pinapayagan ang (1) content na pumupuri, sumusuporta, o kinakatawan ang mga (mga) suspek ng mga nasabing pang-aatake; (2) content na ginawa ng may sala kaugnay sa mga nasabing pang-aatake; or (3) mga larawan ng third-party na nagpapakita ng sandali ng mga nasabing pang-aatake sa mga nakikitang biktima.
Hindi namin pinapayagan ang Pagpuri, Pagsuporta, o Representasyon ng mga itinalagang mapoot na ideolohiya. pati na rin ang hindi malinaw na pagbanggit sa kanila.
Mga organisasyon ng terorista at mga indibiduwal, na tinutukoy bilang non-state actor na:
- Nakikibahagi sa, nag-a-advocate, o nagbibigay ng malaking suporta para sa sinasadya at planadong paggawa ng karahasan,
- Nagdudulot o sinusubukang magdulot ng kamatayan, pinsala o malubhang kapahamakan sa mga sibilyan, o sinumang tao na hindi direktang nakikibahagi sa mga kaguluhan sa panahon ng isang armed conflict, at/o malaking pinsala sa pag-aari na naugnay sa pagkamatay, malubhang pinsala o malubhang kapahamakan sa mga sibilyan
- May layuning mamuwersa, manakot at/o mang-impluwensiya ng populasyon ng mga sibilyan, gobyerno, o pandaigdigang organisasyon
- Para makamit ang pampulitika, panrelihiyon, o ideyolohikal na layunin.
Hate Entity, tinukoy bilang isang organisasyon o indibiduwal na nagkakalat o nanghihikayat ng hate laban sa iba batay sa kanilang mga protektadong katangian. Ang mga aktibidad ng entity ay inilalarawan ng at least ilan sa mga sumusunod na gawi:
- Karahasan, threatening rhetoric, o mga mapanganib na mga paraan ng pangha-harass na tina-target ang mga tao batay sa kanilang mga protektadong katangian.
- Pauulit-ulit na paggamit ng hate speech;
- Representasyon ng mga Hate Ideology o iba pang itinalagang mga Hate Entity, at/o
- Pagpuri o Pag-suporta ng iba pang itinalagang mga Hate Entity o Hate Ideology
Mga Organisasyong Nagdudulot ng Krimen, na tinutukoy bilang samahan ng tatlo o higit pang tao na:
- pinagsama-sama sa isang pangalan, (mga) kulay, (mga) paggalaw ng kamay o kinikilalang marka; at
- nakibahagi sa o nagbabantang makibahagi sa kriminal na aktibidad tulad ng homicide, drug trafficking o kidnapping.
Karahasan na Maraming Biktima at Serial na Pagpatay
- Itinuturing namin ang isang kaganapan bilang karahasan na maraming biktima o pagtangkang karahasan na maraming biktima kung ito ay magreresulta sa tatlo o higit pang pagkamatay sa isang insidente, na tinutukoy bilang mga pagkamatay o malubhang mga pinsala. Ang sinumang indibiduwal na gumawa ng nasabing pang-aatake ay itinuturing na suspek o nagtangkang suspek ng karahasan na maraming biktima.
- Itinuturing namin ang sinumang indibiduwal na nakagawa ng dalawa o higit pang pagpatay sa loob ng maraming insidente o mga lugar bilang serial na mamamatay tao.
Mga mapoot na ideology
- Bagaman nakatuon ang aming mga pagtatalaga ng mga organisasyon at indibiduwal sa gawi, alam din namin na may ilang ideology at paniniwala na natural na nauugnay sa karahasan at mga pagtangkang mag-organisa ng mga tao sa mga panawagan ng karahasan o pagtatangi ng iba batay sa kanilang mga protektadong katangian. Sa ganitong mga pangyayari, kami mismo ang nagtatalaga ng ideyolohiya at tinatanggal sa aming platform ang content na sumusuporta sa ideology ito. Kabilang sa mga ideology ito ang:
- Nazism
- White Supremacy
- White Nationalism
- White Separatism
- Inaalis namin ang malinaw na Pagpuri, Pagsuporta at Representasyon ng mga ideyolohiyang ito, at inaalis ang mga indibiduwal at organisasyong nagdudulot ng isa o higit pa ng mga mapoot na ideyolohiyang ito.
Tier 2: Mga Marahas na Non-State Actor at Mga Entity na Nagdudulot ng Karahasan
Ang mga organisasyon at indibiduwal na itinalaga ng Meta bilang Mga Marahas na Non-state Actor o Mga Entity na Nagdudulot ng Karahasan ay hindi pinapayagang magkaroon ng presence sa aming mga platform, o magkaroon ng presence na pinapanatili ng iba sa ngalan nila. Dahil nakikibahagi ang mga komunidad na ito sa karahasan, laban sa mga state o military actor sa mga armed conflict (Mga Marahas na Non-State Actor) o naghahanda o nag-a-advocate o gumagawa ng mnga kondisyon para sa hinaharap na karahasan (Mga Entity na Nagdudulot ng Karahasan), ang materyal na suporta para sa mga entity na ito ay hindi pinapayagan. Inaalis din namin ang pagpuri ng mga entitidad na ito.
Mga Marahas na Non-State Actor, na tinutukoy bilang alinman sa non-state actor na:
- Nakikibahagi sa pattern ng sinasadya at planadong paggawwa ng matinding karahasan na tina-target ang gobyerno, military o iba pang mga armadong grupo na sumasali sa mga hostility sa isang stiwasyon ng armed conflict, at hindi sinasadya at malinaw na tina-target ang mga sibilyan ng napakatinding karahasan. AT/O
- Pinagkakaitan ang mga komunidas ng access sa mahalagang infrastructure o mga natural resource; AT/O
- Nakikibahagi sa pattern ng mga pang-aatake na nilalayong magdala ang malaking pinsala sa infrastucture na hindi naka-link sa kamatayan, malubhang pinsala o malubhang pinsala sa ang mga sibilyan.
Violence Inducing Entities ay tinutukoy gaya ng sumusunod:
Ang Violence Inducing Entity (Pangkalahatan) ay isang non-state actor na:
- Gumagamit ng mga armas bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, komunikasyon o presence; at nakaayos o pinatatakbo bilang unofficial na mga puwersa ng militar o seguridad at; AT
- Nagtutulungan sa paghahanda sa inter-community na karahasan o civil war; O
- Nag-a-advocate para sa kaharasan laban sa mga opisyal ng gobyerno o marahas na mga pag-antala ng mga civic na kaganapan; O
- Nakikibahagi sa theft, vandalism. pagnanakaw o iba pang pinsala sa property; O
- Nakikibahagi sa karahasan na may katamtamang tindi at mga civic na kaganapan; O
- Nagpo-proote ng pagdadala ng mga armas sa isang lugar kung saan ang sinabing layunin ay manakot ng mga tao sa gitna ng protesta.
Violence-Inducing Conspiracy Network na tinutukoy bilang non-state actor na:
- Tinutukoy ayon sa pangalan, mission statement, simbolo, o na-share na lexicon AT
- Nagpo-promote ng mga walang basehan na teorya na sinusubukang ipaliwanag ang ultimate na mga dahilan ng mahalagang mga problemang pampulitika at panlipunan, mga kaganapan at pangyayari na may mga claim ng mga lihim na plot ng dalawa o mas makapangyarihang actor; AT
- Malinaw na nag-advocate para sa o direktang naka-link sa pattern ng offline na pisikal na pinsala ng mga tagasuporta na nahikayat ng kagustuhang makakuha ng pansin sa o itama ang mga sinasabing pinsala na tinutukoy sa walang basehan na teorya na pino-promote ng network.
Ang Hate Banned Entity ay isang non-state actor na:
- Nakikibahagi sa paulit-ulit na mapoot na asal o rhetoric, pero hindi humahantong sa level ng isang entity na nasa Tier 1 dahil hindi sila nakibahagi sa o malinaw na nag-advocate ng karahasan, o dahil wala silang sapat na mga koneksyon sa mga dati nang itinalagang organisasyon o personalidad.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
- Sa ilang sitwasyon, papayagan namin ang content na maaaring lumabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad kapag natukoy na satirical ang content. Papayagan lang ang content kung ang mga lumalabag na elemento ng content ay kinukutya o inuugnay sa isang bagay o sa ibang tao para hamakin o punahin ang mga ito.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Ang mga panlabas na eksperto, academic, mga NGO, at gumagawa ng patakaran ay tumutulong na sabihin ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa mapanganib na mga indibiduwal at organisasyon
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anuman sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center