Marahas at Graphic na Content

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Naiintindihan naming may iba't ibang sensitivity ang mga tao pagdating sa graphic at marahas na imagery. Para protektahan ang mga user sa ganoong content, inaalis namin ang karamihan ng graphic content at nagdaragdag ng mga warning label sa iba pang uri content para alam ng mga tao na maaaring sensitibo ito bago sila mag-click. Nililitahan namin ang kakayahan ng mga mas batang user na makita ang content na maaaring hindi angkop o naaangkop na edad para sa kanila. Sa paggawa nito, nilalayon naming magbigay ng naaangkop na experience ng user, habang patuloy na magbigay ng space para sa aming mga user para ipahayag ang kanilang mga sarili.
Kinikilala namin na maaaring mag-share ang mga user ng content para magbigay-alam o kondehahin ang mga gawain tulad ng pang-aabuso sa mga karapatang pantao o armed conflict. Isinasaalang-alang ng mga patakaran namin kung shinare ang content sa ganitong context at nagbibigay ng room para sa discussion at pagpapalaganap ng kamalayan nang naaangkop.
Sa mga may bayad pag-a-advertise, nagbibigay kami ng mga karagdagang proteksyon. Halimbawa, ang content na natukoy bilang sensitibo ay hindi eligible na mag-run sa mga ad. Pinagbabawal din namin ang mga ad na may mga larawan at video na nakakabigla, nakakatakot, o kaya ay sensational. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kumonsulta sa aming Mga Pamantayan sa Pag-a-advertise.
Huwag mag-post ng:
Imagery ng mga tao
Mga video ng tao, buhay o pumanaw na, sa hindi medikal na konteksto, nagpapakita ng:
  • Pagputol ng mga bahagi ng katawan.
  • Nakikitang mga laman-loob, gaya ng mga nakalantad na organ, buto, o muscle tissue sa mga buhay o pumanaw na mga tao;
  • Nag-aapoy o sunog na mga tao; o
  • Paggilit ng lalamunan.
Mga live stream ng parusang kamatayan.
Mga Sadistang Puna
Mga sadistang puna ay komentaryo – tulad ng mga nagpapahayag ng kasiyahan o pleasure mula sa pagdurusa o panlalait ng mga tao o hayop.
Inaalis namin ang
  • mga sadistang puna na ginawa sa pamamagitan ng imagery (parehong mga video at hindi gumagalaw na larawan) na tumatanggap ng warning screen sa ilalim ng patakarang ito, pinapayuhan ang mga tao na ang content ay maaaring sensitibo; maliban kung ang imagery ay nagpapakita ng mga pagkilos ng pagtatanggol sa sarili (hal. video ng isang taong ipinagtatanggol ang kanyang sarili mula sa armed robbery) o nasa isang medikal na konteksto (hal. isang larawan ng mga medikal na propesyonal na nagsasagawa ng surgery).
  • Malinaw na mga sadistang puna na ginawa tungkol sa naghihirap na mga hayop na ipinapakita sa imagery, at imagery na nagpapakita ng mga hayop na namatay mula nang nabubuhay ito.
  • Nag-aalok o nanghihingi ng mga imagery na dinelete o nakatanggap ng warning screen sa ilalim ng patakarang ito, kapag may kasamang mga sadistang puna.
Para sa mga sumusunod na content, nagsasama kami ng warning screen para alam ng mga tao na maaaring sensitibo ang content. Nililimitahan din namin sa mga nasa hustong gulang na may edad na 18 at mas matanda na makita ang content:
Imagery ng mga tao
Mga video ng tao, buhay o pumanaw na, sa medikal na konteksto na nagpapakita ng:
  • Pagputol ng mga bahagi ng katawan.
  • Nakikitang mga laman-loob, gaya ng mga nakalantad na organ, buto, o muscle tissue sa mga buhay o pumanaw na mga tao;
  • Nag-aapoy o sunog na mga tao, kasama sa mga konteksto ng cremation; o
  • Paggilit ng lalamunan.
Mga hindi gumagalaw na larawan ng mga tao, buhay o pumanaw na, na nagpapakita ng:
  • Pagputol ng mga bahagi ng katawan.
  • Nakikitang mga laman-loob, gaya ng mga nakalantad na organ, buto, o muscle tissue sa mga buhay o pumanaw na mga tao;
  • Nag-aapoy o sunog na mga tao; o
  • Paggilit ng lalamunan.
Imagery (mga video at mga hindi gumagalaw na larawan) na nagpapakita ng marahas na pagkamatay ng isang tao (kasama ang kanilang sandali ng pagkamatay o ang aftermath) o isang taong nakakaranas ng event na nakakamatay (tulad ng nasagasaan ng kotse, nahulog mula sa mataas na lugar, o nakakaranas ng posibleng nakakamatay na pisikal na pinsala).
Imagery na nagpapakita ng capital punishment ng isang tao (hindi kasama ang mga live-stream).
Imagery na nagpapakita ng mga gawa ng brutality (hal., mga gawa ng karahasan o nakamamatay na banta sa isang sapilitang pinigilan na subject) na ginawa laban sa isang tao o grupo ng mga tao.
Imagery na nagpapakita ng hindi medikal na foreign object (hal., mga kutsilyo, pako, o iba pang metal na bagay) na tumutusok sa balat ng isang tao;
Imagery na nagpapakita ng nasira, nagdurugong mga ngipin, tinanggal na mga ipin kung saan mayroong dugo; o ang pagpasok ng mga foreign object sa mga ngipin o gilagid ng isang tap.
Imagery na nagpapakita ng mga fetus at sanggol sa labas ng sinapupunan na pumanaw na, maliban kung may ibang tao ang nandoon sa image.
Imagery ng mga hayop
Anumang imagery ng mga hayop, buhay pa o patay na, – nagpapakita ng pagputol ng mga bahagi ng katawan, nakikitang mga laman-loob, nag-aapoy o nasusunog, o pinakukuluan nang buhay.
Imagery ng mga buhay na hayop na namamatay.
Imagery ng mga tao na gumagawa ng mga pagkilos ng brutality sa mga buhay na hayop (halimbawa pagsipa, paglunod, o pagtanggal ng mga balahibo).
Para sa mga sumusunod na content, nililimitahan namin ang kakayahang makita ito sa mga user na 18 at mas matanda pa:
Imagery ng mga tao
Imagery na nagpapakita ng bahagya o ganap na hubad na mga taong patay, kahit na walang nakikitang palatandaan ng marahas na pagkamatay.
Imagery na nagpapakita ng mga fetus at sanggol sa labas ng sinapupunan na pumanaw na, kapag may ibang tao ang nandoon sa image.
Imagery na nagpapakita ng mga karayom ​​na tumutusok sa balat ng tao na wala naman sa mga context na pagbabakuna, acupuncture o dry-needling, pagpapa-tattoo, o piercing.
Imagery na nagpapakita ng may napinsalang mga tao sa mga medikal na konteksto kapag sila ay may pananakita o distress, may bugbog, o may medical tubing sa kanilang mukha at/o mga kamay.
Imagery na nagpapakita ng dumi at mga fluid ng katawan ng tao (hal., tae, ihi, suka, tutuli, uhog, byproduct ng mga dermal extraction, o dugo).
Imagery na nagpapakita ng mga sasakyang nasusunog o sumasabog, o nagpapakita sa mismong sandali o epekto nang matapos ang banggaan ng mabibilis na sasakyan sa iba pang bagay kung saan naalis ang sasakyan sa landas nito at / o lubhang napinsala ang driver o mga passenger compartment ng sasakyan.
Imagery ng mga hayop
Imagery na nagpapakita ng mga hayop, buhay o patay, kung saan may dugo.
Imagery na nagpapakita ng mga hayop sa context ng panganganak (hal., may dugo o nakikitang lamanloob).
Imagery na nagpapakita ng mga hayop, buhay o patay, kung saan nakikitang lumalabas ang mga insekto (halimbawa mga maggot o uod).
Imagery na nagpapakita ng mga nasaktang hayop na nagdurusa.
Fictional na Imagery
Imagery na nagpapakita ng mga fictional tao sa mga sumusunod na context:
  • Pagkaputol ng mga bahagi ng katawan;
  • Mga nakikitang lamanloob, gaya ng mga nakalantad na organ, buto, o muscle tissue;
  • Nag-aapoy o sunog na mga tao;
  • Paggilit ng lalamunan; o
  • Marahas na pagkamatay o pangyayaring nakamamatay.
Larawan na nagpapakita ng mga fictional na tao na photorealistic (kung saan kamukha o halos katulad ng photograph o video ng tunay na tao), sa mga sumusunod na context:
  • Mga hindi medikal na bagay (hal., mga kutsilyo, pako, o iba pang metal na bagay) na tumutusok sa balat;
  • Imagery na nagpapakita ng dumi o mga fluid ng katawan ng tao (hal., tae, ihi, suka, tutuli, uhog, o byproduct ng mga dermal extraction), hindi kasama ang dugo;
  • Mga patay na sanggol o fetus sa labas ng sinapupunan;
Imagery na nagpapakita ng mga fictional pero photorealistic na hayop sa mga sumusunod na context:
  • Pagkaputol ng mga bahagi ng katawan;
  • Mga nakikitang lamanloob, gaya ng mga nakalantad na organ, buto, o muscle tissue;
  • Nag-aapoy o sunog na mga hayop;
  • Mga hayop na pinakukuluan nang buhay;
  • May dugo;
  • Mga buhay na hayop na namamatay;
  • Mga tao na nagko-commit ng mga pagkilos ng brutality sa mga buhay na hayop (halimbawa pagsipa, paglunod, o tinatanggalan ng mga balahibo);
  • Nasaktan na mga hayop na nagdurusa
  • Ang insekto na lumalabas mula sa loob ng mga ito (hal., mga maggot o uod).
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
Hindi namin pinapayagan ang:
Imagery o audio ng marahas na pagkamatay ng isang tao kapag ang pagkamatay ng isang tao ay kumpirmado ng nagpapatupad ng batas, death certificate, Trusted Partner report, o media report at kapamilya ng pumanaw ang pagtanggal nito.
Video na nasunog o nag-aapoy na mga tao sa konteksto ng self-immolation bilang gawa ng protesta.
Maaari naming payagan ang:
Imagery ng marahas na pagkamatay ng isang tao o nakamamatay kapag incidental ang pagpapakita.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Ang mga panlabas na eksperto, academic, mga NGO, at gumagawa ng patakaran ay tumutulong na sabihin ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa marahas at graphic content
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anuman sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center