Pananamantala ng Tao

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Bilang pagsusumikap na matigil at mapigilan ang kapahamakan, tinatanggal namin ang content na nangangasiwa o nagko-coordinate ng pananamantala ng mga tao, kasama ang pagpupuslit ng tao o human trafficking. Tinutukoy namin ang human trafficking bilang negosyo kung saan ipinagkakait ang kalayaan ng isang tao para pagkaperahan. Ito ay pananamantala sa mga tao upang pilitin silang lumahok sa prostitusyon, commercial sex, pagtatrabaho o iba pang gawain na labag sa kanilang kagustuhan. Umaasa ito sa panlilinlang, pamimilit at pamumuwersa, at pababain ang pagkatao sa pamamagitan ng pagkakait sa kanila ng kanilang kalayaan habang ito ay pinakikinabangan ng iba sa ekonomikal o materyal na paraan.
Ang human trafficking ay may iba't ibang mukha at ito ay pandaigdigan; pwede itong makaapekto sa kahit sino anuman ang edad, pinagmulang lipunan, etnisidad, kasarian, o lokasyon. Marami itong anyo, at ang anumang partikular na sitwasyon ng trafficking ay maaaring kasangkutan ng iba't ibang stages of development. Dahil sa pamumuwersang katangian ng pang-aabusong ito, hindi makakapagbigay ng pahintulot ang mga biktima.
Bagaman kailangan naming mag-ingat na huwag pag-isahin ang trafficking at smuggling, maaaring maging magkaugnay ang mga itp at magpakita ng overlap. Tinutukoy ng United Nations ang human smuggling bilang pagkuha o pangangasiwa ng iligal na pagpasok sa isang state nang lampas sa mga internasyonal na hangganan. Hindi kinakailangan ng pamumuwersa o pamimilit, posible pa rin itong magresulta sa pananamantala ng mahihinang tao na sinusubukang umalis ng kanilang pinagmulang bansa, kadalasan ay hinahangad na magkaroon ng mas magandang buhay. Ang human smuggling ay isang krimen laban sa isang state, umaasa sa pagkilos, at ang human trafficking ay isang krimen laban sa isang tao, na umaasa sa pananamantala.
Dagdag pa rito sa content ang pagkondena o pagbibigay ng kaalaman tungkol sa, o news reporting sa mga isyu ng human trafficking o human smuggling, pinapayagan namin ang content na humihingi ng o nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa personal na kaligtasan at border crossing, humihingi ng asylum o paano umalis sa isang bansa.
Huwag mag-post ng:
Content, aktibidad, o mga interaction na nagre-recruit ng mga tao para sa, nagfa-facilitate o nananamantala ng mga tao sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na paraan ng human trafficking:
  • Sex trafficking (anumang commercial na sekswal na aktibidad sa isang menor de edad o anumang commercial na sekswal na aktibidad sa isang nasa hustong gulang na may kasamang pamumuwersa, panloloko, o pamimilit).
  • Mga pagbebenta ng mga bata o iligal na pag-aampon
  • Orphanage trafficking at orphanage volun-tourism
  • Mga sapilitang pagpapakasal (kasama ang pagpapakasal ng bata)
  • Pananamantala sa manggagawa (kasama ang bonded labor)
  • Paninilbihan sa tahanan o Domestic servitude
  • Trafficking ng non-generative organ, hindi kasama ang pagtanggal ng organ, donasyon, o transplant sa non-exploitative organ donation na konteksto
  • Sapilitang kriminal na gawain (halimbawa: sapilitang panlilimos, sapilitang pagpuslit ng iligal na droga)
  • Pagre-recruit ng mga batang sundalo
Content kung saan nagre-recruit ang third party actor, nangangasiwa o nagbebenipisyo mula sa (pinansyal o kung hindi man) commercial na sekswal na aktibidad
Content na nag-o-offer na magbigay o pangasiwaan ang human smuggling
Content na humihiling ng mga serbisyo sa human smuggling
Pinapayagan namin ang content na dili kaya’y sakop ng patakarang ito kapag na-post sa mga konteksto sa pagkondena, pagbibigay ng kaalaman, pagbibigay ng kamalayan, o pagbabalita.
Sa ilalim ng aming mga patakaran sa Pananamantala ng Tao, maaari ring isaalang-alang ng aming mga reviewer at automated system ang range ng mga signal ng pag-uugali para tumulong na makita at magawan ng aksyon ang mga lumalabag na account.
  • Maaari naming alisin ang mga account batay sa kanilang mga interaction sa iba pang lumalabag na account, mga paghahanap para sa o mga interaction sa lumalabag na content, o membership sa mga community (hal. Mga Group) na inalis namin dahil sa paglabag sa aming mga patakaran.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
Maaaring alisin namin ang content na nag-aalok ng trabaho sa mga lokasyon na mataas ang panganib para sa labor exploitation kapag makumpirma ng nagpapatupad ng batas, mga lokal na organization na hindi gobyerno, o iba pang pinagkakatiwalaang partner
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Ang mga panlabas na eksperto, academic, mga NGO, at gumagawa ng patakaran ay tumutulong na sabihin ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Makakuha ng tulong para sa pananamantala ng tao
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anuman sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center