Sekswal na Pananamantala, Pang-aabuso, at Nudity ng Bata

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Hindi namin pinapayagan ang content o aktibidad na sekswal na nananamantala o naglalagay sa panganib sa mga bata. Kapag nalaman namin ang kapansin-pansing pananamantala sa bata, nire-report namin ito sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), bilang pagsunod sa naaangkop na batas. Alam namin na paminsan-minsan ay nagbabahagi ang mga tao ng mga hubad na larawan ng kanilang mga anak nang may mabuting layunin; gayunpaman, sa pangkalahatan ay tinatanggal namin ang mga larawang ito dahil maaari itong abusuhin ng ibang tao at para tulungang maiwasan ang posibilidad na muling gamitin ito ng iba pang tao o gamitin para sa ibang layunin ang mga larawang ito.
Nakikipagtulungan kami sa mga external na eksperto, kasama ang Meta Safety Advisory Board, para talakayin at pahusayin ang aming mga patakaran at pagpapatupad sa mga isyu tungkol sa kaligtasan online, lalo na ang tungkol sa mga bata. Alamin pa ang tungkol sa teknolohiyang ginagamit namin para labanan ang pananamantala sa bata.
Huwag mag-post ng:
Sekswal na pananamantala ng bata
Content, aktibidad, o mga interaction na nagbabanta, nagpapakita, pumupuri, sumusuporta, nagbibigay ng mga instruksyon para sa, gumagawa ng mga pahayag ng nilalayon, pag-amin ng paglahok sa o pagbabahagi ng mga link ng sekswal na pananamantala ng mga bata (kasama ang mga tunay na menor de edad, mga toddler o mga sanggol o hindi tunay na pagpapakita na kamukha ng tao, tulad sa sining, content na ginawa ng AI, mga fictional na character, mga manyika, atbp). Kasama ang, ngunit hindi limitado sa:
  • Pakikipagtalik
    • Malinaw na pakikipagtalik o oral sex, tinutukoy bilang pagsubo o pagpasok o pagkakadikit ng ari sa ari o tumbong ng isa pang tao, kung saan ang ari o tumbong ng kahit isang tao ay nakikita.
    • Ipinahiwatig na pakikipagtalik o oral sex, kabilang ang kapag ang pagkakadikit ay malapit o hindi direktang nakikita.
    • Pag-stimulate ng mga ari o tumbong, kabilang ang kapag ang aktibidad ay napipinto o hindi direktang nakikita.
    • Alinman sa mga nabanggit sa itaas na kinasasangkutan ng isang hayop.
  • Mga batang nasa mga sekswal na elemento, kabilang ang ngunit hindi limitado sa:
    • Mga pagpigil
    • Mga palatandaan ng arousal
    • Pag-focus sa mga ari o tumbong
    • Pagkakaroon ng nasa hustong gulang na nalilibugan
    • Pagkakaroon ng mga sex toy o paggamit ng anumang bagay para sa sexual stimulation, kasiyahan o sekswal na pang-aabuso.
    • Na-sexualize na costume
    • Paghuhubad
    • Staged na paligid (halimbawa, sa ibabaw ng kama) o kinunan nang propesyonal (quality/focus/mga anggulo)
    • Paghahalikan nang bukas ang bibig
    • Stimulation ng mga utong ng tao o pagpisil ng suso ng babae (MALIBAN sa konteksto ng pagpapasuso)
    • Pagkakaroon ng mga bagay na resulta ng sekswal na gawain
  • Content na kinabibilangan ng mga bata na nasa konteksto ng sexual fetish
  • Content na sinusuportahan, nagtataguyod, o nag-aadvocate o nanghihikayat ng paglahok sa pedophilia maliban kung tinatalakay ito nang neutral sa konteksto sa kalusugan
  • Content na tumutukoy o nangungutya ng mga sinasabing biktima ng sekswal na pananamantala ng bata gamit ang pangalan o larawan
Panghihingi
Content na nanghihingi ng sekswal na content o aktibidad na nagpapakita o kinabibilangan ng mga bata, na tinukoy bilang:
  • Child Sexual Abuse Material (CSAM)
  • Nude imagery ng tunay o hindi tunya na mga bata
  • Sexualized imagery ng tunay o hindi tunay na mga bata
Hindi naaangkop na mga interaction sa mga bata
Content na bumubuo o nangangasiwa ng hindi naaangkop na mga interaction sa mga bata, tulad ng:
  • Panghihingi, pag-aayos o pagpaplano ng mga sexual encounter sa mga bata
  • Panghihikayat sa mga bata na makibahagi sa sekswal na aktibidad sa pamamagitan ng sexualized na mga pag-uusap o pag-aalok, pagpapakita, pagkuha o pag-request ng sekswal na material sa o mula sa mga bata, sa pamamagitan sinasadyang paglalantad o sa mga pribadong message
  • Pakikibahagi sa hindi direktang sekswal na mga pag-uusap sa mga pribadong message sa mga bata
  • Pagkuha o paghingi ng sekswal na materyal mula sa mga bata sa mga pribadong message
Mapanamantalang intimate na mga larawan at sextortion
Content na sinusubukang manamantala ng mga tunay na bata sa pamamagitan ng:
  • Pamumuwersang makakuha ng pera, mga pabor o intimate na larawan na nagbabantang i-eexpose ang tunay o hindi-tunay na intimate na larawan o impormasyon
  • Pagbabahagi, pagbabanta o pagsasabi ng kagustuhang ibahagi ang mga pribadong sekswal na pag-uusap o tunay o hindi-tunay na mga intimate na larawan
Pag-sexualize ng mga bata
  • Content (kasama ang mga litrato, video, real-world art, digital na content, at mga berbal na pagpapakita) na sini-sexualize ang tunay o hindi tunay na mga bata
  • Mga Group, Page, at profile na nakatuon sa pag-sexualize ng tunay o hindi tunay na mga bata
Nudity ng Bata
Content na nagpapakita ng tunay o hindi tunay na child nudity kung saan ang nudity ay tinutukoy bilang:
  • Mga close-up ng tmga ari ng unay o hindi tunay na mga bata
  • Mga hubad na tunay o hindi tunay na toddler, na nagpapakita:
    • Nakikitang ari, kahit na may takip o natatakpan ng transparent na damit
    • Nakikitang tumbong at/o lubos na hubad na close-up ng puwit
  • Mga hubad na tunay o hind tunay na menor de edad, na nagpapakita ng:
    • Nakikitang ari (kasama ang ari na natatakpan lang ng bulbol o transparent na damit)
    • Nakikitang tumbong at/o lubos na hubad na close-up ng puwit
    • Walang takip na mga utong ng babae
    • Walang damit mula leeg hanggang tuhod - kahit na walang ipinapakitang mga ari o utong ng babae
  • Maliban kung ang hindi tunay na larawan ay para sa kalusugan o hindi sekswal na napagpapakita ng child nudity sa real world art
Hindi sekswal na pang-aabuso ng bata
Mga video o litrato na nagpapakita ng tunay o hindi tunay na sekswal na pang-aabuso sa bata anuman ang pagbabahagi, maliban kung ang larawan ay mula sa real-world art, mga cartoon, pelikula o mga video game
Content na pumupuri, sumusuporta, nagpo-promote, nag-a-advocate para sa, nagbibigay ng mga instruksyon para sa o nanghihikayat ng paglahok sa hindi sekswal na pang-aabuso sa bata
Bilang karagdagan sa pag-alis ng mga account na nilalabag ang aming mga patakaran sa Child Sexual Exploitation, Abuse and Nudity (CSEAN), isinasaalang-alang ng aming mga reviewer at automated system ang malawak na spectrum ng mga signal para tumulong na maiwasan ang mga posibleng hindi kanais-nais o hindi ligtas na mga interaction.
  • Maaari naming i-disable ang mga account o paghigpitan ang access sa mga produkto at feature (hal., ang kakayahang i- follow ang partikular na mga account) para sa mga nasa hustong gulang batay sa kanilang mga interaction sa iba pa pang mga account, mga paghahanap para sa o mga interaction sa lumalabag na content, (hal., pag-like o pag-save), o pagiging member sa mga community (hal. Mga Group) na inalis namin dahil sa paglabag sa aming mga patakaran.
Para sa sumusunod na content, nagsasama kami ng warning screen para alam ng tao na posibleng nakakabahala ang content at nililimitahang makita ang content sa mga nasa hustong gulang na nasa edad na labingwalo at pataas:
  • Mga video o litrato na nagpapakita ng mga pulis o militar na gumagawa ng hindi sekswal na pang-aabuso sa bata
  • Mga video o litrato ng hindi sekswal na pang-aabuso sa bata, kapag ni-request ng nagpapatupad ng batas, mga ahensiyang nagbibigay ng proteksyon sa bata o ng mga pinagkakatiwalaang safety partner na huwag tanggalin ang content sa platform para sa malinaw na layunin ng pagbabalik ng bata sa kaligtasan
Para sa mga sumusunod na content, nagsasama kami ng sensitivity screen para alam ng mga tao na maaaring nakakabagabag ang content sa ilan:
  • Mga video o litrato ng marahas na paglublob ng bata sa tubig sa konteksto ng mga ritwal sa relihiyon
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
Para sa mga sumusunod na content, nagsasama kami ng babalang label para alam ng mga tao na maaaring sensitibo ang content:
  • Larawang na-post ng ahensiya ng balita na nagpapakita ng nudity ng bata sa konteksto ng taggutom, genocide, mga krimen dahil sa giyera, o mga krimen laban sa sangkatauhan, maliban na lang kung may kasamang lumalabag na caption o na-share sa isang lumalabag na konteksto, kung saan, tinatanggal ang content
Maaari naming tanggalin ang larawang nagpapakita ng resulta ng hindi sekswal na pang-aabuso sa bata kapag ni-report ng mga media partner sa balita, mga NGO o iba pang pinagkakatiwalaang safety partner.
Maaari naming tanggalin ang content na kinikilala ang diumano mga biktima ng sekswal na pananamantala ng bata sa pamamagitan ng mga paraan maliban sa pangalan o larawan kung ang content ay may kasamang impormasyon na malamang na magresulta sa pagkilala sa indibidwal.
Maaari naming tanggalin ang ginawang content para sa pagkilala ng pribadong menor de edad kung may panganib sa kaligtasan ng menor de edad, kapag hiniling ng Nagpapatupad ng Batas, Gobyerno, Pinagkakatiwalaang Partner, o ang content ay self-reported ng menor de edad o ang magulang/legal guardian.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Ang mga panlabas na eksperto, academic, mga NGO, at gumagawa ng patakaran ay tumutulong na sabihin ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa sekswal na pananamantala, pang-aabuso at nudity ng bata
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anuman sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center