Fraud, Mga Scam, at Mga Mapanlinang na Mga Kasanayan
Mga detalye ng patakaran
LOG NG PAGBABAGO
Ngayong araw
Hun 6, 2025
Okt 2, 2024
Hul 18, 2024
Ago 4, 2023
Abr 28, 2022
Dis 23, 2021
Nob 24, 2021
Okt 28, 2021
Ago 26, 2021
May 4, 2020
Dis 17, 2020
Nob 18, 2020
Dis 16, 2019
Set 3, 2019
Paliwanag ng Patakaran
Nilalayon naming protektahan ang mga user at business na maloko sa kanilang pera, ari-arian o personal na impormasyon. Nakakamit namin ito sa pamamagitan ng pag-aalis ng content at paglaban sa gawi na sinasadyang gumagamit ng mapalinlang na mga paraan - tulad na sinasadyang pagsisinungaling, ninakaw na impormasyon at mga exaggerated na claim - para i-scam o lokohin ang mga user at business, o para manghikayat ng pakikipag-ugnayan. Kabilang dito ang content na hinahangad na i-coordinate o i-promote ang ganitong mga aktibidad na iyong gamit ang aming mga serbisyo. Pinapayagan namin ang mga tao na magbigay ng kamalayan at turuan ang ibang tao pati rin ang kondenahin ang ganitong mga gawain.
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na sinusubukan na i-scam o lokohin ang mga user at/o mga business sa pamamagitan ng:
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Loan
Content na:
- Nag-aalok ng mga loan na hinihiling sa user na magbayad ng advance fee para makakuha ng loan.
- Nag-aalok ng mga loan na may garantiya o halos garantiya ng pag-apruba, alinman sa malinaw na sinabi o hindi malinaw na naunawaan batay sa konteksto (tulad ng mga claim para aprubahan ang loan nang hindi humihingi ng pinansyal na impormasyon).
- Tandaan: Naghahanap din kami ng iba pang signal para matukoy kung ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag ito ay isang verified entity at bangko o pinansyal na institusyon.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Pagsusugal
Content na:
- Nag-aalok ng mga serbisyo ng real money na pagsusugal (Ang “Real money” ay isang tunay na currency na pwedeng gamitin para bumili ng mga produkto o serbisyo sa tunay na buhay, kasama ang mga pambasang currency tulad ng U.S. Dollars at mga virtual currency tulad ng Bitcoin):
- na may garantiyang manalo.
- pagpapahiwatig o pag-amin na dinaya ang resulta ng isang game o match.
- panghihingi sa mga tao para i-enable ang pag-aayos ng match o naghahanap ng tulong o mga tip sa kung paano ayusin ang isang match o game.
Ang mga social casino game na nagsi-simulate ng pagsusugal nang walang pagkakataon na manalo ng totoong pera ay nasa aming Pamantayan ng Komunidad sa Mga Kontroladong Produkto at Serbisyo.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Investment o Pinansyal
- Mga Investment Opportunity. Content na:
- Nag-aalok ng mga investment opportunity kung saan ang kita sa investment ay garantisado o walang panganib.
- Nag-aalok ng mga investment opportunity kung saan ang kita sa investment o bayad ay bahagya o buo batay sa recruitment ng iba para sumali sa scheme.
- Nag-aalok ng mga investment opportunity kung saan ang oportunidad ay ang “mabilis na pagyaman” na katangian at/o mga claim na ang maliit na investment ay magiging malaking halaga.
- Money/Cash Flip. Content na:
- Nag-aalok para gawin ang partikular na kabuuang pera sa mas malaki sa pamamagitan ng flipping o trick o strategy na kinabibilangan ng malinaw na mga pag-mention ng ”cash flip,” "money flip,” o katulad na terminology.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Money Muling at Laundering
- Money Muling. Content na:
- Nag-aalok o humihingi ng pera para sa money muling (nagdudulot sa mga biktima para maging hindi alam na mga kalahok sa money laundering sa pamamagitan ng pag-alok ng pera o magbahagi ng mga kita kapalit na pagpapahintulot na gamitin ang kanilang mga bank account o mag-transfer ng pera sa ngalan ng iba).
- Mag-alok o humingi para sa money muling sa pamamagitan ng pag-aalok ng trabaho para tumanggap at mag-transfer ng pera sa mga third party gamit ang bank account ng biktima.
- Money Laundering. Content na:
- Humihiling, humihingi, o nag-o-offer na pangasiwaan ang money laundering, na isang pagsubok na gawin mukhang lehitimo ang ilegal na nakuhang pera sa pamamagitan ng pagtago ng pinagmulan ng pera sa pamamagitan ng complex na sequence ng mga pinansyal transaksyon, kasama ang sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Gustong mag-transfer ng mga fund sa pamamagitan ng SWIFT (Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunications) o mga katulad na paraan,
- Gusto o nag-o-offer ng mga detalye sa mga uri ng bank account na available para suportahan ang pagtanggap o pag-transfer ng cash.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Hindi Authentic na Identity
Content na:
- Sinusubukan na i-scam o lokohin ang mga user sa pamamagitan na pasinungalingan ang identiy ng poster o katangian ng isang request:
- Panloloko at Scam sa Charity, kung saan ay mga nanlolokong request para sa pera o donasyon para sa mga charitable cause kasama ng mga claim na agaran ang donasyon at kasama ang impormasyon, tulad ng mga bank account, kung saan pwedeng ipadala ang pera.
- Panloloko at Scam sa Romance, na mga nalolokong pagsubok para mag-establish ng mga online na romantikong relasyon sa pamamagitan ng paghahanap ng hindi sekswal na companionship o relasyon at nag-o-offer o humihingi ng pera o katumbas bilang kapalit.
- Panloloko at Mga Scam sa Na-establish na Business/Entity, na kabilang ang hindi totoong pag-claim para kumatawan, o magsalita sa opinsyon ng, isang na-establish na business o entity, sinusubukan na i-scam o i-defraud.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Produkto o Reward
- Panloloko at scam tungkol sa Government Grant. Content na:
- Maling nag-aalok ng pera mula sa mga governmental grant o anumang iba pang governmental source ng pagpopondo. Isinasaalang-alang namin ang iba’t ibang signal para matukoy kung ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag nanggaling sa isang na-verify na entity.
- Scam at Panloloko tungkol sa mga Nahahawakang Bagay, Ispirituwal o Illuminati. Content na:
- Nag-aalok ng mga tangible reward, tulad ng pera, mga produkto, o mga serbisyo na may katumbas na pera kasama ang physical, digital at virtual na mga currency, at physical o digital na mga produkto at serbisyo para sa pagiging miyembro sa o pagsali sa isang asosasyon, kulto, sekta ng relihiyon (halimbawa, ang Illuminati brotherhood).
- Nag-aalok ng mga tangible reward dahil sa paggamit ng black magic o spell o mga magical na item (halimbawa, mga spell, lucky charm, anting-anting, token, potion, magic wallet, atbp.).
- Panloloko at Mga Scam tungkol sa Insurance. Content na:
- Nag-aalok ng hindi totoo, may discount na insurance kasama ang mga request para sa upfront fee (admin fee, o deposito, o kung hindi man).
- Nag-aalok ng hindi totoo, may discount na insurance malaking pagtitipid sa insurance kumpara sa mga provider ng conventional insurance (nang hindi bababa sa 30%).
- Tandaan: Naghahanap din kami ng iba pang signal para matukoy kung ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag ito ay isang verified entity at bangko o pinansyal na institusyon
- Panloloko at Mga Scam tungkol sa Trabaho. Content na:
- Nag-aalok ng mga trabaho na may hindi malinaw o malabong paglalarawan ng trabaho at mga oportunidad ng mabilis yumaman na pinangangakuan ng pera na may kaunting oras na investment o pagsusumikap.
- Nag-aalok ng mga trabaho ng walang impormasyon tungkol sa trabaho, simpleng tumutukoy sa mga bakanteng trabaho.
- Nag-aalok ng magtrabaho sa bahay pero sinasabi ng posisyon sa trabaho na hindi maaaring WFH ang empleyado.
- Nag-aalok ng mga trabaho na may advance na mga pangako ng sahod.
- Nag-aalok ng mga garantisadong trabaho.
- Nag-aalok ng mga trabaho na may demand para sa advance fee bago ibigay ang trabaho.
- Tandaan: Naghahanap din kami ng iba pang signal para matukoy kung ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag ito ay isang verified entity
- Panloloko at Scam tungkol sa Pagpapagaan ng Utang at Pag-aayos ng Credit. Content na:
- Nangangakong ide-delete o aalisin o babawasan ang utang ng partikular na halaga sa isang panahon.
- Nangangakong itigil o ide-delete ang lahat ng koleksyon ng utang o demanda.
- Nangangakong i-forgive o kakanselahin ang utang sa pamamagitan ng "bagong programa ng gobyerno” o pagbabago sa batas o katumbas na pahayag.
- Nangangakong ide-delete o aalisin ang impormasyon sa credit mula sa mga credit report o gumawa ng bagong "credit identity".
- Tandaan: Naghahanap din kami ng iba pang signal para matukoy ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag ito ay isang verified entity at bangko o pinansyal na institusyon
- Panloloko at Mga Scam tungkol sa Giveaway. Content na:
- Nag-aalok na garantisadong reward ng totoong pera kapalit ng nangangailangan ang mga user na:
- Mag-register sa isang off-site na link.
- Ibahagi ang Impormasyong (Personal na Kumikilala Personal Identifiable Information, PII) o Ibang Personal na Impormasyon.
- Kontakin ang wala sa platform o nasa platform sa pamamagitan ng pribadong message.
- Hindi gagawa ng aksyon.
- Panloloko at Mga Scam tungkol sa Advance Fee. Content na:
- Nangangako ng pera na hindi totoo kapalit ng up-front fee/wire transfer/pagbabayad.
Panloloko at Mga Scam tungkol sa Mga Pekeng Dokumento
- Mga Peke o Palsipikadong Dokumento. Content na:
- Nag-aalok ng panghihingi, paggawa, pagbebenta, pagbili o palitan ng peke o mga palsipikadong dokumento.
- Nag-aalok ng pagbebenta ng mga visa o green card.
- Ginagarantiya ang pag-apruba sa visa o green card.
- Ini-enable ang mga user na makakuha ng mga pag-apruba ng visa nang hindi ginagawa ang mga normal na kinakailangan.
- Peke o Counterfeit na Currency. Content na:
- Nag-aalok ng pagbebenta, pagbili o pag-trade ng peke o Counterfeit na currency, hindi kasama ang board-game na currency (hal., Monopoly money) kung may malinaw na konteksto na para sa board-game.
- Peke o Mga Counterfeit na Voucher. Content na:
- Nag-aalok ng pagbabahagi, pagbebenta, pagbili o palitan ng peke o mga counterfeit na voucher.
- Umamin sa, i-promote, o i-solicit ang paggamit ng physical o digital na coupon o voucher para makamit ang hindi normal na presyo sa pamamagitan ng alinman sa:
- gamit ang mga coupon o voucher para bumili ng mga item na ang mga coupon o voucher ay hindi nilalayon para sa; o
- sa pamamagitan ng mga expired na coupon o voucher,
- Mga peke o palsipikadong mga certificate sa pag-aaral at propesyon. Content na:
- Nag-aalok ng pagbebenta, pagbenta o pakikipagpalitan mga peke o palsipikadong mga certificate sa pag-aaral at propesyon.
Panloloko at Scam para sa Ninakaw na Impormasyon, Mga Produkto o Serbisyo
- Panloloko at Scam tungkol sa Carding Content na:
- Kinabibilangan ng pagbili, pagbebenta o pakikipagpalitan ng mga ninakaw na credit card o iba pang mga financial instrument na maaaring gamitin para sa mga walang pahintulot na pagbili (kilala rin bilang "carding").
- Panloloko at Scam tungkol sa PII. Content na:
- Nag-aalok ng pagbili, pagbebenta o pakikipagpalitan ng Impormasyong Personal na Kumikilala (Personal Identifiable Information, PII) Oo Iba Pang Personal na Impormasyon maliban kung pagma-may-ari ng fictional character.
- Panloloko at Scam tungkol sa Pekeng Pagsusuri. Content na:
- Pananawagan para sa pagbili, pagbebenta o pakikipagpalitan ng mga pagsusuri/rating ng produkto.
- Hindi malinaw o malinaw na nagbibigay incentive sa mga user na magbigay ng mga pagsusuri ng produkto kapalit ng mga discount, refund o mg alibreng item.
- Panloloko at Scam tungkol sa Subscription. Content na:
- Nag-aalok ng pagbili, pagbebenta o pakikipagpalitan ng mga credential para sa mga subscription service (mga credential sa pag-login sa mga online service na nangangailangan ng umuuit na pagbabayad sa regular na interval) sa paggawa ng mga reference sa isang may bayad na onlin service, sa pagbibigay pangalan dito o sa pagbabahagi ng logo nito.
- Tandaan: Naghahanap din kami ng iba pang signal para matukoy kung ang entity ay nagpo-post ng lehitimo, hindi mapanlokong content, tulad ng kapag ito ay isang verified entity at bangko o pinansyal na institusyon.
- Panloloko at Scam tungkol sa Nandadaya Content na:
- Kabilang ang pagbabahagi, pagbebenta, pakikipagpalitan, o pagbili ng:
- papel ng exam o mga answer sheet sa hinaharap.
- Mga produkto o serbisyo na pinapayagan ang pandaraya sa mga exam.
- Mga produkto o serbisyo na pinapayagan pumasa sa mga drug test sa isang hindi awtorisadong paraan.
Panloloko at Scam tungkol sa Hindi awtorisadong Paggamit ng mga Device
- Panloloko at Scam tungkol sa Pagmanipula ng Device. Content na
- Nananawagan ng pagbili, pagbebenta, pakikipagpalitan o pagbabahagi ng anumang namanipula, binago o pekeng measurement device.
- Umamin sa, mag-promote o mag-solicit ng paggamit ng aktwal na pagmanipula ng mga device para makamit ang hindi tamang presyo.
- Panloloko at Scam tungkol sa Digital Content. Content na
- Nag-aalok o humihingi ng mga produkto na nangangasiwa o naghihikayat ng access sa digital na content sa isang hindi awtorisadong paraan. Kasama rito ngunit hindi limitado sa: augmented set top na mga kahon, punong-puno/KODI na na-install na mga kahon at KODI na mga serbisyo.
Mga Mapanlinlang at Nakakalitong Kasanayan
- Mga Nakakalitong Kasanayan sa Kalusugan Content na
- Nagpo-promote ng hindi totoo o nakakalitong mga claim sa kalusugan o ginagarantiya sa isang konteksto tungkol sa pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng paggamit ng mga click-bait tactic, tulad ng paggamit ng sensational language na gumagawa ng exaggerated o labis na mga claim.
Para sa mga sumusunod na content, nililimitahan namin sa mga nasa hustong gulang, may edad na 18 at mas matanda ang kakayahang ma-view ang content:
Content na
- Nangangako ng partikular na mga resulta sa pagbabawas ng timbang partikular na panahon nang walang qualifying o disclaimer language.
Sa kabila ng mga nabanggit sa itaas, hindi namin ipinagbabawal ang content kumokondena, nagbibigay kamalayan ng o binibigyan ng kaalaman ang iba tungkol sa panloloko at mga scam, nang hindi ipinapakita ang sensitibong impormasyon o nagpo-promote ng panloloko o mga scam.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
- Maaari naming alisin ang content na:
- Kinabibilangan ng panloloko/scam na ni-report ng isang pinagkakatiwalaang entity.
- May kaugnayan sa panunuhol o embezzlement.
- Na nag-aalok ng mga vaccine na sinusubukan na i-scam o lokohin ang mga user.
- Na sinusubukan na mag-establish ng pekeng persona, nagpapanggap na isang sikat na tao, o gumagamit ng walang pahintulot na paggamit ng image ng isang sikat na tao na sinusubukang mag-scam o mag de-fraud.
- Na nag-aalok o humihingi ng mga produkto o serbisyo na idinisenyo para pangasiwaan ang surreptitious viewing o pag-record ng mga indibidwal, hal., mga spy cam, mobile phone tracker (kasama ang mga pinapayagan ang pag-trace ng hindi kilalang mga numero ng telepono), o iba pang nakatagong surveillance equipment.
- Nag-aalok ng litigant recruitment na mga oportunidad para lumahok sa class action lawsuit sa pamamagitan ng panggagaya ng isang entity ng gobyerno o news outlet, sa pamamagitan ng paggamit ng sensationalist language, o sa pamamagitan ng paggamit ng mga exaggerated claim.
- Nag-aalok ng mga subscription service na pino-prompt ang mga user na ilagay ang Personal na Impormasyon.
- Hindi namin pinapayagan ang mga entity na lumahok sa o mag-claim na nakibahagi sa isang organisadong Panloloko o Scam na gawi, kasama ang paggamit ng maraming account sa aming mga serbisyo na magsagawa ng mga mapanlokong gawi.
Sa ilang sitwasyon, pinapayagan namin ang content na maaaring lumabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad kapag natukoy na nangungutya ang content. Papayagan lang ang content kung ang mga lumalabag na elemento ng content ay kinukutya o inuugnay sa isang bagay o sa ibang tao para hamakin o punahin ang mga ito.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong sa fraud, mga scam, at mga mapanlinang na mga kasanayan
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center