Mga Nire-restrict na Produkto at Serbisyo

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Para manghikayat ng kaligtasan at mapigilan ang posibleng mga nakakapinsalang aktibidad, ipinagbabawal namin ang pagtatangka ng mga tao, manufacturer, at mga retailer na bumili, magbenta, mag-raffle, magregalo, maglipat o makipagpalitan ng ilang mga produkto at serbisyo sa aming platform. Hindi namin tinatanggap ang palitan o pagbebenta ng anumang drug na maaaring magresulta sa pag-abuso sa alak o droga sakop sa ilalim ng aming mga patakaran sa ibaba. Maaaring mag-promote ang aktwal na tindahan at mga online retailer ng mga baril, alak, at mga item na tabako na available para ibenta na wala sa aming mga serbisyo; gayunpaman, nililimitahan namin ang visibiliity ng content na ito para sa mga menor de edad. Pinapayagan namin ang mga talakayan tungkol sa pagbebenta ng mga produktong ito sa mga stor o sa pamamagitan ng mga online retailer, pag-advocate para sa mga pagbabago sa mga regulasyon ng mga produkto at serbisyo na sinasakop sa patakarang ito, at pag-advocate para sa o tungkol sa paggamit ng mga inireresetang gamot sa konteksto ng medikal na paggamot kasama ang talakayan ng mga pisikal o mental side effct.
Ang Mga Nire-restrict na Produkto at Serbisyo ay binubuo ng mga sumusunod na category:
  • Mga Gamot at Pharmaceutical
  • Mga Armas, Ammunition, o Pampasabog
  • Tabako at Mga Kaugnay na Produkto
  • Alak
  • Kalusugan at Wellness
  • Online Gambling at Games
  • Endangered at Protected Species (wildlife at mga halaman)
  • Mga Makasaysayang Artifact
  • Mga Mapanganib na Produkto at Materyal
  • Mga Bahagi at Fluid ng Katawan
Nakadetalye sa ibaba ang bawat category:
Mga Gamot at Pharmaceutical
Hindi namin pinapayagan ang:
Mga high-risk drug (mga gamot na may mataas na posibilidad para sa maling paggamit, adiksyon, o nauugnay sa malulubhang panganib sa kalusugan, kabilang ang overdose; hal., cocaine, fentanyl, heroin).
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, pangasiwaan ang pagpapalitan ng, mag-donate, magregalo o humingi ng mga high-risk drug.
  • Umaamin sa pagbili, pakikipagpalitan o pangangasiwa ng pagpapalitan ng mga high-risk drug ng mismong nag-post ng content o sa pamamagitan ng ibang tao.
  • Umaamin sa personal na paggamit nang hindi kinikilala o binabanggit ang paggaling, paggamot, o iba pang pagtulong na labanan ang paggamit. Ang content na ito ay posibleng hindi magsabi ng maganda, hikayatin ang paggamit ng, mangasiwa o magbigay ng mga instruction para gumawa o gumamit ng mga high-risk drug.
  • Nangangasiwa o nagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng maganda tungkol sa, nanghihikayat ng paggamit ng, o nagbibigay ng mga instruction para gamitin o gumawa ng) mga high-risk drug.
  • Tandaan: Pinapayagan ang pagde-debate o pag-a-advocate para sa legalidad o pagtalakay ng mga siyentipiko o medikal na kabutihan ng mga high risk drug. Kasama rito ang balita at pampublikong mga service announcement.
Mga non-medical drug (mga drug o substance na hindi ginagamit para sa medikal o ginagamit para makamit ang high - kasama rito ang mga precursor chemical o substance na ginagamit para sa paggawa ng mga drug na ito.)
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, pangasiwaan ang pagpapalitan ng, mag-donate, magregalo o humingi ng mga non-medical drug.
  • Umaamin sa pagbili, pakikipagpalitan o pangangasiwa ng mga pagpapalitan ng mga non-medical drug ng mismong nag-post ng content o sa pamamagitan ng ibang tao.
  • Umaamin sa personal na paggamit nang hindi kinikilala o binabanggit ang paggaling, paggamot, o iba pang pagtulong na labanan ang paggamit. Ang content na ito ay posibleng hindi magsabi ng maganda, hikayatin ang paggamit ng, mangasiwa o magbigay ng mga instruction para gumawa o gumamit ng mga non-medical drug.
  • Nangangasiwa o nagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo tungkol sa, nanghihikayat ng paggamit ng, o nagbibigay ng mga instruction para gamitin o gumawa ng) mga non-medical drug.
  • Sinusubukang magbenta o i-promote ang non-medical drugs paraphernalia.
  • Naglalaman ng merchandise na nagpapakita ng mga non-medical drug.
Mga Prescription Drug (mga gamot na nangangailangan ng reseta o ng medikal na propesyonal para i-administer)
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta o makipagpalitan ng mga prescription drug maliban kapag:
    • Inililista ang presyo ng mga bakuna sa malinaw na context ng edukasyon o discussion kapag nire-restrict sa mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang o mahigit pa.
    • Nag-aalok ng delivery kapag pinost ng mga lehitimong e-commerce business sa healthcare kapag nire-restrict sa mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang o mahigit pa. Dapat kasama sa content na ito ang disclaimer para konsultahin ang propesyonal sa kalusugan o kumuha ng valid na reseta.
  • Sinusubukang mag-donate o magregalo ng mga inireresetang gamot, maliban sa mga panahon ng krisis sa ekonomiya, kalusugan, lipunan, o likas na sakuna.
  • Humihingi ng mga inireresetang gamot, maliban kapag pinag-uusapan ng content ang pagiging abot-kaya, accessibility, o bisa ng mga inireresetang gamot sa medical context.
  • Tandaan: Pinapayagan ang pagde-debate o pag-a-advocate para sa legalidad o pagtalakay ng mga siyentipiko o mga inireresetang gamot . Kasama rito ang balita at pampublikong mga service announcement.
Mga Entheogen
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo, o manghingi ng mga entheogen.
  • Tandaan: Pinapayagan ang pagde-debate o pag-a-advocate para sa legalidad o pagtalakay ng mga siyentipiko o medikal na kabutihan ng mga entheogen.
Cannabis at Mga Cannabis Derived Product
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo, o manghingi ng marijuana at mga produktong naglalaman ng THC o mga related na psychoactive component.
Para sa mga sumusunod na content, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
Mga Entheogen
  • Content na nagpapakita ng pag-amin sa personal na paggamit ng, nangangasiwa o nagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo tungkol sa), o nanghihikayat ng paggamit ng mga entheogen.
    • Maliban kapag ang alinman sa mga nasa itaas ay nangyayari sa isang fictional o documentary na context.
Cannabis at Mga Cannabis Derived Product
  • Mga content na nangangasiwa o nagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo tungkol sa, nanghihikayat ng paggamit ng, o nagbibigay ng mga instruction para gamitin o gumawa ng) marijuana at mga produktong naglalaman ng THC o mga related na psychoactive component.
  • Negosyo na kaugnay sa content na pinost ng mga marijuana dispensary kung saan hindi sinusubukan na bumili, magbenta o makipagpalitan ng marijuana o mga produkto na naglalaman ng THC o mga kaugnay na psychoactive component.
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalo o manghingi ng ingestible cannabidiol (CBD) o mga katulad na cannabinoid product.
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalo o manghingi ng hindi ingestible cannabidiol (CBD) o mga katulad na cannabinoid product.
  • Content na nagki-claim ng sakit na kaugnay sa hindi ingestible cannabidiol (CBD) o mga katulad na produkto ng cannabinoid.
  • Content na nagpapakita ng marijuana paraphernalia.
Mga Inireresetang gamot
  • Content na sinusubukan na bumili, magbenta o makipagpalitan ng mga inireresetang gamit sa anumang context, kasama ang kapag na-post ng lehitimong mga negosyo sa healthcare e-commerce.
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate ng regalo, o manghingi gamot na over-the-counter.
  • Content na kasama ang admission o paggamit ng mga inireresetang gamot.
Mga Armas, Ammunition, o Pampasabog
Hindi namin pinapayagan ang:
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, o makipagpalitan ng mga firearm, mga parte ng firearm, ammunition, mga pampasabog, o mga lethal enhancement maliban kapag:
    • pinost ng isang Page, Group, Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang mga retail business, website, brand, o mga government agency (halimbawa police department, fire department), o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity; at nakikita ay pinaghigpitan sa mga nasa hustong gulang 21 taong gulang at mas matanda.
  • Sinusubukang mag-donate o magregalo ng mga firearm, mga parte ng firearm, ammunition, mga pampasabog, o mga lethal enhancement maliban kapag pinost sa mga sumusunod na context:
    • Pag-donate, pakikipagpalitan sa o bumibili ng mga armas at ammunition ng isang Page, Group, Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang mga retail business, website, brand, o mga government agency, o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity; at nakikita ay pinaghigpitan sa mga nasa hustong gulang 21 taong gulang at mas matanda.
    • Isang auction o raffle ng mga firearm ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kasama ang mga retail business, government-affiliated organization o non-profit, o mga pribadong indibidwal na affiliated sa o sponsored ng mga lehitimong brick-and-mortar entity; at nakikita ay pinaghigpitan sa mga nasa hustong gulang 21 taong gulang at mas matanda.
  • Humihingi ng mga armas, mga parte ng armas, ammunition, mga pampasabog, o mga lethal enhancement.
  • Sinusubukang bumili, magbenta, nagreregalo, makipagpalitan, mag-transfer, pagangasiwaan, nagsasabi ng positibo tungkol sa, nanghihikayat ng paggamit ng o nagbibigay ng access sa mga instruction para sa 3D printing o computer-aided manufacturing para sa mga firearm o mga parte ng mga firearm anuman ang context o sinuman ang nag-post.
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalot, humiling ng o aminin ang pagmamay-ari ng mga machine gun conversion device.
Para sa mga sumusunod na content, pinaghihigpitan namin ang visibility sa mga adult na 21 taong gulang at mas matanda:
Mga Armas, Ammunition, o Pampasabog
  • Content na pinost ng o nagpo-promote ng mga lehitimong brick-and-mortar store, entity, kasama ang mga website ng mga retail business, website, brand, o government agency na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalo o humiling ng (kasama ang context ng isang auction o raffle) ng mga armas, mga parte ng armas, ammunition, mga pampasabog, o lethal enhancement.
Para sa mga sumusunod na nilalaman, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
Mga bladed item at iba pang mga weapon:
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mangasiwa, mag-donate, magregalo o manghingi ng: mga patalim at anumang iba pang armas (hal., pepper spray o mga knuckle ring).
  • Content na nagsasabi ng positibo tungkol sa, nagbibigay ng mga intstruksyon para gamitin o nanghihikayat ng paggamit ng mga armas, bahagi ng armas, pampasabog, ethal enhancement, o bladed item sa mga review ng produkto
  • Mga sales offer at ang promotion ng hindi lethal na mga accessory
Tabako at Mga Kaugnay na Produkto
Hindi namin pinapayagan ang:
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta o makipagpalitan ng mga tobacco/nicotine related product, o mga produkto na nagsi-simulate ng paninigarilyo, kabilang ang lahat ng uri ng mga “ENDS” Electronic Nicotine Delivery Systems product (hal., mga electronic cigarette, vape, at nicotine free-vape).
    • Maliban kapag pinost ng isang Page, Group, o Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang mga retail business, website, brand, o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang pag-offer ng mga delivery service at brand giveaway.
  • Sinusubukang mag-donate o magregalo ng mga tobacco/nicotine product, o mga “ENDS” product.
    • Maliban kapag pinost ng isang Page, Group, o Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang mga retail business, website, brand, o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang pag-offer ng mga delivery service at brand giveaway.
  • Nanghihingi ng mga tobacco/nicotine product, o mga produktong nagsi-simulate ng paninigarilyo, kabilang ang lahat ng uri ng mga “ENDS” product (mga nicotine-free vape).
Para sa mga sumusunod na nilalaman, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
  • Content na pinost ng o nagpo-promote ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kasama ang mga website ng mga retail business, website o brand, na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo ng mga alcohol o tobacco product.
  • Content na nagpapakita ng paggamit ng tabako, mga nicotine na produkto o mga “ENDS” na produkto.
  • Content na nangangasiwa o nagpo-promote ng paggamit ng mga tobacco, nicotine product, “ENDS” product, o tobacco brand.
  • Content na nagpapakita ng Tobacco Cessation Products
  • Content tinatalakay o nagpo-promote ng paggamit ng tabako, tobacco paraphernalia, o mga brand ng tabako
  • Media content na nagpapakita ng pagninigarilyo o paggamit ng tabako sa hindi fictional na konteksto
    • Maliban kung sa konteksto ng mga anti-smoking campaign, counseling service para sa pagkagumon sa paninigarilyo, at smoking rehabilitation. o PSA context
Alak
Hindi namin pinapayagan ang:
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta o makipagpalitan ng alak maliban kapag:
    • Pinost ng isang Page, Group, o Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang mga retail business, website, brand, o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kabilang ang pag-offer ng mga delivery service at brand giveaway.
    • Content na tumutukoy sa alak o nagbibigay ng imbitasyon sa isang alcohol venue kung saan magpapalitan o kokonsumo ng alak sa lokasyon ng isang event, restaurant, bar, o party.
  • Pagtangkang mag-donate o magregalo ng alak o tabako maliban kapag pinost ng isang Page, Group o Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kasama ang mga retail business, website o brand, o pribadong indibiduwal na nagbabahagi ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity.
  • Nanghihingi ng mga alak na produkto o inumin.
Para sa mga sumusunod na nilalaman, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
  • Content na pinost ng o nagpo-promote ng mga lehitimong brick-and-mortar entity, kasama ang mga website ng mga retail business,website o brand, na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo ng mga alak na produkto o inumin.
  • Content na nagpapakita ng pagkonsumo ng mga alak na produkto o inumin o nagse-share ng mga recipe para sa mga alak na inumin.
  • Content na tumutukoy sa mga alak na produkto o nag-aalok ng imbitasyon sa isang alcohol venue kung saan magpapalitan o kokonsumo ng alak.
Kalusugan at Wellness
Para sa mga sumusunod na nilalaman, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
Mga produkto o serbisyo para sa pagbabawas o pagdaragdag ng timbang
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalo, magbanggit o manghingi ng mga produkto o serbisyo para sa pagbabawas o pagdaragdag ng timbang.
  • Umaamin sa o nagpapakita ng paggamit ng produkto para sa pagbabawas o pagdaragdag ng timbang, sa isang favorable na context o tumatalakay sa mga side effect nito.
  • Nagpapakita ng pangagasiwa o pagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo, nanghihikayat ng paggamit ng, o nagbibigay ng mga instruction para gamitin o gumawa ng) isang diet product.
  • Naglalaman ng mga pahayag na nangmamaliit sa pisikal na anyo (hal., mga termino, paglalarawan, o tanong na negatibo at tumutuligsa sa hitsura, partikular na bahagi ng katawan, o kalinisan ng isang tao), o mga paglalarawan ng close-up ng isang partikular na bahagi ng katawan na ipinapakita ang pinisil na taba.
  • Mga claim na ang mga resulta ay maaaring makamit lang sa pamamagitan ng paggamit ng mga nasusuot na produkto, tulad ng alahas o mga patch.
  • Gumagamit ng mga clickbait na taktika sa konteksto ng pagbabawas o pagdaragdag ng timbang, tulad ng paggamit ng mga mapanulsol na salita na may pinalabis o matitinding pahayag tungkol sa kalusugan, o mga pangakong tiyak na resulta sa loob ng itinakdang panahon nang walang mga disclaimer o paglilinaw.
Mga Produktong Kosmetiko, Procedure, o Operasyon
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, magregalo, magbanggit, o manghingi ng mga cosmetic product, procedure, o surgery Kabilang dito ang:
    • Mga Skin Whitening product tulad ng mga bleaching cream.
    • Mga cosmetic procedure na may intensyong pagalingin, o i-restore ang function o structure ng mga mukha o katawan ng mga tao.
  • Umaamin sa o nagpapakita ng paggamit ng mga cosmetic procedure o surgery, na nagha-highlight sa positibo at negatibong epekto nito, o mga side effect.
  • Nagpapakita ng pangagasiwa o pagpo-promote ng (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo tungkol sa, nanghihikayat ng paggamit ng, o nagbibigay ng mga instruction para gumamit o magsagawa ng) cosmetic procedure o operasyon.
  • Naglalaman ng mga pahayag na nangmamaliit sa pisikal na anyo (ibig sabihin, mga termino, deskripsyon, o tanong na negatibo at umaatake sa hitsura, partikular na bahagi ng katawan, o kalinisan ng isang tao)
Tandaan: Ang pag-promote ng mga paraan ng workout (tulad ng Pilates) o mga temporary cosmetic (tulad ng makeup) ay hindi saklaw ng patakarang ito.
Mga Nakakalinlang na Kasanayan sa Kalusugan
  • Mga claim (kabilang ang mga pahayag mula sa mga propesyonal sa kalusugan o mga organisasyon sa kalusugan) na nagpapagaling, o nakakapag-alis ng alinman sa mga sumusunod na sakit na hindi magagamot at/o mga sakit na nasa huling yugto (kumpletong listahan): Tandaan: Hindi ito naaangkop sa mga claim tungkol sa paggamot o pamamahala ng mga sintomas ng mga kondisyong ito.
    • Diabetes
    • Herpes
    • Thyroid
    • Psoriasis
    • Ebola
    • Cancer
    • Autism
    • Alzheimer's
    • Parkinson's
    • Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS)
    • Human immunodeficiency virus (HIV)
  • Gumagamit ng mga clickbait na taktika sa konteksto ng kalusugan, tulad ng paggamit ng mga mapanulsol na salita na may pinalabis o matitinding pahayag tungkol sa kalusugan, o mga pangakong tiyak na resulta na may kaugnayan sa kalusugan sa loob ng itinakdang panahon nang walang mga disclaimer o paglilinaw.
Mga adult sexual arousal product
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, mag-promote, makipagpalitan, magregalo o manghingi ng mga adult sexual arousal product, kung saan ang pangunahing focus ay para mag-stimulate sa sexual pleasure ng isang tao o nagpapalakas sa sexual arousal ng isang tao, sa fictional o hindi fictional na konteksto. Kabilang dito ang:
    • Mga sex toy
    • Mga erotic product
    • Mga non-surgical genital enhancement product, tulad ng mga produktong nagsi-stimulate ng sexual desire o nagpapahusay sa sexual performance
    • Mga produktong ang pangunahing focus ay i-stimulate and sexual desire o arousal
    • Pagpapakita ng mga sex toy nang walang malinaw na konteksto
Reproductive Health or Wellness Products
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, mag-promote, makipagpalitan, mag-donate, magregalo o humingi para sa reproductive health o mga wellness product. Kabilang dito ang:
    • Mga produkto para sa Reproductive Health o Wellness na nakatuon sa kasiyahang sekswal at hindi sa mga benepisyong medikal, kabilang ang mga produktong naglalaman ng mga bagay na hugis ari ng lalaki o ari ng babae
    • Mga produktong tumutugon sa mga sakit sa sekswal at reproductive health
    • Mga cosmetic genital surgery
    • Mga adult genital surgery
    • Sex education na ang focus sa sekswal na kasiyahan
    • Mga hormone produkto (hal., mga testosterone booster)
Mga sekswal na negosyo ng nasa hustong gulang
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, mag-promote, o manghingi ng mga adult sexual arousal business, na maaaring mag-stimulate sa sekswal na kasiyahan ng isang tao o nagpapalakas sa sexual arousal ng isang tao. Kabilang dito ang:
    • Mga adult entertainment business
    • Mga adult establishment
    • Instructional sexual services
Online Gambling at Mga Game
Para sa mga sumusunod na nilalaman, nire-restrict namin ang visibility sa mga adult na 18 taong gulang at mas matanda:
Online Gambling at Mga Game
  • Content na sinusubukang magbenta, magpakita o mag-promote ng online gambling at mga serbisyo ng pagsusugal kung saan ang anumang may halagang pera (kasama ang cash o digital/virtual na mga currency, hal. bitcoin) ay required para maglaro at ang anumang may halagang pera na bubuong bahagi ng premyo. Kasama rito ang, ngunit hindi limitado sa:
    • Mga game of skill, mga lottery/raffle, pagtaya, sports betting, mga casino game, mga game of chance, o mga sweepstake/prize draw.
    • Mga Gambling Game na nag-o-offer ng limitadong trial period at nagre-require ng payment pagkatapos
Mga Social Casino Game
  • Content na sinusubukang magbenta, makipagpalitan, magpakita o mag-promote ng mga social casino game na nagsi-simulate ng mga gambling game tulad ng mga slot machine, kung saan walang pagkakataong manalo ng pera o halaga ng pera. Kabilang dito ang mga content ini-indicate ang pagkakataong manalo ng “coins” na walang monetary value.
Free-to-play na mga game na may Gambling context
  • Content na sinusubukang bumili, makipagpalitan, magpakita o mag-promote ng free-to-play na mga game na nagsi-simulate ng mga gambling game, kung saan ang anumang bagay na may halagang pera ay hindi kailangan para laruin ang game, pero maaaring may pagkakataong manalo ng pera o halaga ng oera.
Endangered at protected species (wildlife at mga halaman)
Hindi namin pinapayagan ang:
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate, o magregalo o manghingi ng endangered species o mga bahagi ng mga ito, o ng protected species ng mga halaman.
  • Umaamin o nanghihikayat sa ilegal na pangangaso (poaching), pagbili, o pakikipagpalitan ng endangered species o mga bahagi ng mga ito na ginawa ng mismong nag-post ng content o ng kanyang mga associate sa pamamagitan ng ibang tao. Hindi kasama rito ang mga pagpapakita ng ilegal na pangangaso (poaching) ng mga hindi kakilala.
  • Nagpapakita ng ilegal na pangagaso (poaching) ng endangered species o mga bahagi ng mga ito na ginawa ng mismong nag-post ng content o ng kanyang mga associate.
  • Nagpapakita ng pangagasiwa o pagpo-promote (kung saan ang ibig naming sabihin ay nagsasabi ng positibo tungkol sa, nanghihikayat sa ilegal na pangangaso o poaching ng, o nagbibigay ng mga instruction) para gumamit o gumawa ng mga produkto mula sa endangered species o mga bahagi ng mga ito, o sa anumang endangered na wildlife o halaman.
Mga hindi endangered na hayop
  • Content na sinusubukang bumili, magbenta o makipagpalitan ng mga buhay na non-endangered animal maliban kapag:
    • Pinost ng isang Page, Group o Instagram profile na kumakatawan sa mga lehitimong brick-and-mortar entity, kasama ang mga retail business, lehitimong website, brand o rehoming shelter, o isang pribadong indibidwal na nagse-share ng content sa ngalan ng mga lehitimong brick-and-mortar entity.
    • Pinost sa context ng pag-aampon, pagreregalo, humihingi ng, pagdo-donate o pagre-rehome sa mga buhay na hindi endangered na mga hayop, kabilang ang mga rehoming fee para sa mga peer-to-peer adoption
    • Nagbebenta ng hayop para sa isang relihiyosong pag-aalay, o pag-o-offer ng reward para sa mga nawawalang alagang hayop.
    • Pinost sa context ng pagbebenta ng livestock.
    • Pinost sa context ng pagbili, pagbebenta o pagreregalo, humihingi ng, pagdo-nate ng mga sungay ng hayop, mga organ, limb, carcass, taxidermy, feces at hindi kasama ang compost o fertilizer).
    • Pinost sa context ng pag-o-offer ng mga produkto na kaugnay sa mga hayop para sa paggamit ng tao tulad ng: mga itlog, isda, atbp.
Mga Makasaysayang Artifact
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo, o manghingi ng mga makasaysayang artifact.
Mga Mapanganib na Produkto at Materyal
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, mag-donate o magregalo o manghingi ng mga mapanganib na produkto at materyal.
Pagbebenta ng Mga Bahagi ng Katawan ng Tao at Mga Likido ng Katawan
Hindi namin pinapayagan ang:
Nilalaman na:
  • Sinusubukang bumili, magbenta o makipagpalitan ng mga bahagi ng katawan ng tao, kahit na higit pa sa human-trafficking content na ipinagbabawal sa ilalim ng patakaran sa Pananamantala ng Tao.
  • Humihingi para sa palitan ng mga likido ng tao.
  • Sinusubukang bumili, magbenta, o makipagpalitan ng mga likido ng tao.
  • Maliban kung pinost para sa donation ng mga likido ng tao tulad ng semen o blood plasma.
Mga Ni-recall na Produkto
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na sinusubukang bumili, magbenta, makipagpalitan, i-coordinate ang pakikipagpalitan ng, mag-donate, magregalo o humiling ng mga ni-recall na produkto.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa mga nire-restrict na produkto at serbisyo
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center