Mga Paglabag sa Privacy
Mga detalye ng patakaran
LOG NG PAGBABAGO
Ngayong araw
Okt 2, 2024
Hun 26, 2024
Hun 29, 2023
Peb 23, 2023
Set 29, 2022
Peb 24, 2022
Nob 24, 2021
Set 30, 2021
Nob 18, 2020
Nob 30, 2018
Hun 29, 2018
Paliwanag ng Patakaran
Nilalayon ng aming serbisyo na protektahan ang privacy at personal na impormasyon ng aming mga user. Nagsusumikap kaming mabuti para maprotektahan ang iyong personal identity at impormasyon at hindi namin pinapayagan ang mga tao na mag-post ng partilular na uri ng personal o confidential na impormasyon tungkol sa kanilang sarili o ng iba. Binibigyan din namin ng mga paraan ang mga tao para mag-report ng larawan na pinaniniwalaan ng mga tao na lumalabag sa kanilang mga karapatan sa privacy.
Inaalis namin ang content na nagbabahagi, nag-ooffer, o humihingi ng impormasyong personal na kumikilala sa isang tao o iba pang pribadong impormasyon na maaaring humantong sa pisikal o pinansyal na pinsala, ang pampinansyal, residensyal, at medikal na impormasyon, pati rin ang pribadong impormasyong nakuha sa mga iligal na pinagmulan. Kinikilala namin na ang pribadong impormasyon ay maaari ring maging available sa publiko sa pamamagitan ng news coverage, mga court filing, press release, o iba pang source. Kapag nangyari iyon, maaaring payagan namin na ma-post ang impormasyon.
Mayroon kaming karagdagang restiction para sa may bayad na content. Bagaman pinapayagan namin ang mga ad na nagbibigay ng positibong user experience sa pag-focus sa mga detalye ng produkto o serbisyo, inaalis namin ang mga ad na sinasamantala ang mga personal na hardship ng mga user, mukhang gumagawa ng mga negatibo o hindi accurate na mga characterization tungkol sa kanila. Para sa higit pang impormasyon sa aming mga panuntunan sa privacy para sa may bayad na content, tingnan ang aming Mga Pamantanyan sa Pag-a-advertise sa Mga Paglabag sa Privacy at Personal na mga Katangian.
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na nagse-share o humihingi ng pribadong impormasyon, sa aming mga serbisyo man o sa pamamagitan ng mga external link, gaya ng mga sumusunod:
Personally identifiable information (PII)
- Content na nagse-share ng Personally Identifiable Information (impormasyong natatanging tumutukoy sa isang indibidwal) ng nag-post o ng iba. Kabilang dito ang:
- Mga national identification number gaya ng mga social security number (SSN), passport number o individual taxpayer identification number (ITIN).
- Mga government ID ng law enforcement, militar, o security personnel.
- Mga record o official documentation ng civil registry information tulad ng mga dokumento sa kasal, kapanganakan, pagkamatay, pagpapalit ng pangalan, o gender recognition
- Mga dokumento sa immigration at work status gaya ng mga green card, work permit o visa
- Content na humihingi ng Personally Identifiable Information ng iba
Personal Contact Information
- Content na nagse-share ng personal contact information ng iba, maliban kung ginawang public ng indibidwal o kapag shinare o sinolocit para mag-promote ng mga charitable cause, tumulong sa paghahanap ng mga tao, hayop, o may-ari ng mga nawawalang gamit, o mag-contact ng business o service provider (maliban kung na-establish na ang personal contact information ay shinare nang walang consent ng indibidwal).
Impormasyon ng tirahan
- Content na nagse-share ng mga kumpletong private residential address ng iba, kasama ang building name o mga pin sa map na tumutukoy sa address (kahit na nasa isang off-platform link ang mga pin), maliban sa mga sumusunod na context:
- kapag shinare para mag-promote ng mga charitable cause, tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang tao, hayop, o may-ari ng mga nawawalang bagay, o mag-contact ng isang business o mga service provider
- kapag ang tirahan ay isang official residence o embassy na ibinigay sa isang high-ranking public official
- Content na nagse-share ng partial private residential address ng iba (maliban kung ang tirahan ay isang official residence o embassy na ibinigay sa isang high-ranking public official):
- Kapag shinare sa context ng pag-oorganize ng mga protesta o surveillance ng residente, at ang lokasyon ng tirahan ay natukoy batay sa isa sa mga sumusunod:
- Street
- Lungsod o neighborhood (para lang sa mga lungsod na may mas kaunti sa 50,000 residents)
- Postal code
- Mga pin sa GPS o mga pin sa mapa na tinutukoy ang alinman sa mga ito (kahit na nasa isang off-platform link ang mga pin)
- Imagery na nagpapakita ng external view ng mga pribadong tirahan kung applicable ang lahat ng sumusunod na kondisyon:
- Ang tirahan ay tahanan na para sa isang pamilya, o ang unit number/building name ng residente ay tinutukoy sa image/caption.
- Ang lokasyon ng tirahan ay tinutukoy ng kahit isa sa alinman sa mga sumusunod”
- Street
- Lungsod o neighborhood (para lang sa mga lungsod na may mas kaunti sa 50,000 residents)
- Postal code
- Mga pin sa GPS o mga pin sa mapa na tinutukoy ang alinman sa mga ito (kahit na nasa isang off-platform link ang mga pin)
- Ina-identify ng content ang (mga) residente.
- Maaaring tumututol ang residente sa pagkaka-expose ng kanyang pribadong tirahan, o may context ng pag-organize ng mga protesta laban sa residente.
- Ang imagery ng tirahan ay hindi sine-share dahil ang tirahan ang focus ng isang news story (maliban kung sine-share sa context ng pag-organize ng mga protesta laban sa residente)
- Content na humihingi ng private residential information ng iba (maliban kung ang tirahan ay isang official residence o embassy na ibinigay sa isang high-ranking public official)
- Content na humihingi sa lokasyon ng mga safe house o nag-e-expose ng impormasyon tungkol sa mga safe house sa pamamagitan ng pag-share ng alinman sa ibaba (maliban kung ang safe house ay aktibong nagpo-promote ng impormasyon tungkol sa facility nito)
- Aktwal na address (Tandaan: Pinapayagan ang "Post Box only")
- Mga image ng safe house
- Nakikilalang lungsod/neighborhood ng safe house
- Impormasyong nag-e-expose sa identity ng mga residente ng safe house
Medikal na impormasyon
- Ang content na nagbabahagi o humihiling ng medikal, psychological, biometric, o genetic/hereditary na impormasyon ng iba (kasama ang kapag ipinapakita o ibinabahgi sa pamamagitan ng audio o video), kapag malinaw na ang impormasyon mula sa mga medikal na record o iba pang mga opisyal na dokumento.
Pinansyal na impormasyon
- Content na nagse-share o humihingi ng personal na pampinansyal na impormasyon tungkol sa poster o iba pa, na tinukoy bilang impormasyon tungkol sa individual finances ng isang tao kasama ang:
- Mga pinansyal na record o statement na hindi isinasapubliko.
- Mga bank account number na may kasamang mga security o pin code.
- Impormasyon sa digital na payment method kasama ang mga detalye sa pag-log in, mga security o pin code.
- Impormasyon tungkol sa credit o debit card kasama ang mga validity date o mga security pin o code.
- Content na nagse-share o humihingi ng non-public financial information ng isang business o organization, na tinukoy bilang impormasyon tungkol sa finances ng isang business o organization, maliban kung orihinal nang shinare mismo ng organization (kasama ang mga kasunod na pag-share kung saan intact ang orihinal na context) o shinare sa pamamagitan ng mga public reporting requirement (halimbawa dahil nire-require ng mga stock exchange o regulatory agency), kasama ang:
- Mga non-public na financial record o statement
- Mga bank account number kasama ang mga security o pin code.
- Impormasyon sa digital na payment method na may kasamang mga detalye sa pag-log in, mga security o pin code.
Impormasyong nakuha sa mga na-hack na source
- Ang content na na-claim ng poster o na-confirm na nanggaling sa na-hack na source, kung ang apektadong tao man ay isang pampublikong personalidad o pribadong indibidwal.
Maaari ring alisin ang mga sumusunod na content:
- Isang ni-report na litrato o video ng mga tao kung saan ang taong ipinapakita sa larawan ay:
- Isang menor de edad na 13 taong gulang, at ang content ay ni-report ng menor de edad o ng isang magulang o legal guardian.
- Isang menor de edad na nasa pagitan ng 13 at 18 taong gulang, at ang content ay ni-report ng menor de edad.
- Ang isang nasa hustong gulang, kung saan ang content ay ni-report ng nasa hustong gulang na wala sa United States at maaaring ipatupad ang batas para sa karapatan sa pagtanggal.
- Sinumang tao na walang kakayahan at hindi mare-report ang content nang mag-isa.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
- Mga depiksyon ng Mga Indibidwal at Medical Facility, na tinukoy bilang content na nagpapakita ng indibidwal sa isang medical o health facility o ng pribadong indibidwal o menor de edad na pumapasok o lumalabas sa isang medical o health facility, at nire-report ng:
- Tao sa image
- Representative ng tao sa image
- Medical o health facility na may mga care responsibility para sa tao sa image, o
- Medical o health facility na pinagtatrabahuhan ng tao sa image
- Source material na sinasabing maghahayag ng impormasyon na hindi pampubliko na may kaugnayan sa isang eleksyon bilang bahagi foreign government influence operation.
- Inaalis namin ang pagre-report sa nasabing leak ng mga media entity na kontrolado ng estado mula sa bansa na nasa likod ng leak.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay wala dapat sa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya ang nakikita mo rito ay maaaring bahagyang luma na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga outside expert, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong tungkol sa mga paglabag sa privacy
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center