Mapoot na Asal

Mga detalye ng patakaran

LOG NG PAGBABAGO
Paliwanag ng Patakaran
Naniniwala kami na ang mga tao ay ginagamit ang kanilang boses at nakikipag-ugnayan nang mas malaya kapag sa tingin nila hindi sila inaatake sa basehan ng kung sino sila. Kaya hindi namin pinapayagan ang mapoot na asal sa Facebook, Instagram, o Threads.
Tinutukoy namin ang mapoot na asal bilang direktang pang-aatake laban sa mga tao — sa halip na sa mga konsepto o institusyon— sa basehang tinatawag naming mga protektadong katangian (mga PC): lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, kapansanan, kinabibilangang relihiyon, caste, sekswal na oryentasyon, kasarian, kinikilalang kasarian at malubhang sakit. Dagdag pa rito, itinuturing namin ang edad bilang protektadong katangian kapag tinutukoy kasama ng iba pang protektadong katangian. Pinoprotektahan din namin ang mga refugee, migrant, immigrant at asylum seeker mula sa pinakamatinding pang-aatake (Tier 1 sa ibaba), bagaman pinapayagan namin ang komentaryo at pagpuna ng mga patakaran sa imigrasyon. Katulad din nito, nagbibigay kami ng ilang proteksyon para sa hindi protektadong mga katangian, tulad ng trabaho, kapag tinukoy ang mga ito kasama ng iba pang protektadong katangian. Minsan, batay sa lokal na kaibahan, itinuturing naming mga salitang may code ang ilang salita o parirala bilang madalas na ginagamit na mga proxy para sa mga protektadong katangian.
Inaalis namin ang hindi makataong speech, mga paratang ng malubhang immorality o criminality, at mga slur. Inaalis din namin ang mga mapaminsalang stereotype, na tinutukoy namin bilang mga pagkukumpara na hindi makatao na ginagamit dati para mang-atake, manakot, o magbukod ng mga partikular na grupo, at na kadalasang inuugnay sa offline na karahasan. Paghuli, inaalis namin ang malubhang mga pang-iinsulto, mga pagpapahayag ng pag-alipusta o pagkainis, pagmumuta, at mga panawagan para sa hindi pagsama o segregation kapag tina-target ang mga tao batay sa mga protektadong katangian. Hinihiwalay namin speech na ito sa dalawang tier ng tindi, na inilarawan sa ibaba.
Alam namin na minsan nagsi-share ang mga tao ng content na kasama ang mga pang-iinsulto o speech ng ibang tao para kondenahin ang speech o i-report ito. Sa iba pang mga pangyayari, ang speech, kasama ang mga pang-iinsulto, na maaaring labagin ang aming mga pamantayan na pwedeng gamitin para sarili o sa paraan na nagbibigay ng kakayahan. Pinapayagan namin ang ganitong uri ng speech kung saan malinaw ang intensyon ng speaker. Kung hindi malinaw ang intensyon, maaari naming alisin ang content.
Minsan gumagamit ang mga tao ng sex- o gender-exclusive language kapag tinatalakay ang access sa mga space na madalas limitado ayon sa sex o kasarian, tulad ng access sa mga bathroom, mga partikular na paaralan, partikular na military, nagpapatupad ng batas, o mga tungkulin sa pagtuturo, at kalusugan o mga support group. Minsan, nanawagan sila para sa hindi pagsama o gumagamit ng nakakainsultong salita sa context ng pagtalakay sa mga paksang pampulitika o pangrelihiyon, tulad ng kapag tinatalakay ang mga karapatan ng transgender, imigrasyon, o homosexuality. Panghuli, minsan ang mga tao ay minumura ang kasarian sa context ng romantic break-up. Idinisenyo ang aming mga patakaran para mabigay ng lugar para mga ganitong uri ng speech.
Huwag mag-post ng:
Tier 1
Content na tina-target ang isang tao o grupo ng tao (maliban ang mga grupo na inilarawan bilang gumawa ng mga marahas na o sexual crime o kinakatawan ang wala pa sa kalahati ng grupo) sa batayan ng kanilang nabanggit na (mga) protektadong katangian o immigration status sa sulat o visual na may kasamang:
  • Hindi makataong speech sa paraan ng pagkumpara sa o generalizations tungkol sa mga hayop. pathogens, o iba pang sub-human na mga life form, kasama ang:
    • Mga insekto (kasama ngunit hindi limitado sa: mga ipis, balang)
    • Mga hayop sa pangkalahatan o mga partikular na uri ng mga hayop na nakikita ayon sa kultura bilang inferior (kasama ang ngunit hindi limitado sa: Mga Black na tao at mga ape o mga creature na mukhang ape; Mga taong Jewish at mga daga; Mga Muslim na tao at mga baboy; Mga Mexican na tao at mga bulate)
    • Bakterya, mga virus, o microbe
    • Subhumanity (kasama ang ngunit hindi limitado sa: malupit na tao, demonyo, halimaw)
  • Mga paratang ng malubhang immorality and criminality:
    • Mga sexual predator at pedophile (kasama ang ngunit hindi limitado sa: Mga Muslim na tao na nakikipagtalik sa mga kambing o baboy)
    • Mga marahas na kriminal (kasama ang ngunit hindi limitado sa: mga terorista, mamamatay tao)
  • Mga panawagan at pag-asa para sa mga sumusunod na pinsala (malubha o mga partikular na banta at mga panawagan para sa karahasan ay tinutugunan sa ilalim ng aming patakaran sa Karahasan at Panghihimok na Gumawa ng Krimen.
    • Makakuha ng sakit
    • Nakakaranas ng natural disaster
    • Pananakit sa sarili o suicide
    • Kamatayan nang walang perpetrator o paraan
    • Mga aksidente at iba pang mga pisikal na pinsala dulot ng walang perpetrator o ng deity
  • Mga mapinsalang stereotype na dating na-link sa intimidation o karahasan, tulad ng Blackface; Pagtanggi sa holocaust; mga claim na kinokontrol ng mga Jewish ang pampinansyal, pampulitika, o mga media institution; at mga pagbanggit sa Dalits bilang mga menial laborer; at pagkumpara ng mga Black na tao sa mga kagamitan sa farm/
  • Panlalait ng konsepto, mga event o biktima ng mga hate crime kahit walang totoong tao na ipinapakita sa isang image.
  • Panlalait ng mga tao dahil sa pagkakaroon o nakakaranas ng sakit.
  • Content na naglalarawan o tina-target ang mga tao sa negatibong paraan gamit ang mga slur. Ang mga slur ay tinutukoy bilang mga salita na likas na gumagawa ng atmosphere ng pagbubukod at pananakit laban sa mga tao batay sa protektadong katangian, kadalasan dahil ang mga salitang ito ay nauugnay sa makasaysayang diskriminasyon, pagmamalupit, at karahasan.
Tier 2
Content na tina-target ang isang tao o grupo ng mga tao sa batayan ng kanilang (mga) protektadong katangian (nakasulat o visual na paraan):
  • Mga panawagan o suporta para sa hindi isasama o segregation o mg apahayag ng layuning hindi isama o i-segregate, tinutukoy bilang:
    • Pangkalahatang hindi isasama, na ang iibig sabihin panawagan para sa pangkalahatang hindi isasama o segregation, tulad ng “Hindi pinapaygan ang X!”
    • Political exclusion, na nangangahulugan ang pagtanggi ng karapatan sa political participation o pagtatalo para incarceration o pagtanggi ng mga karapatang pampulitika.
    • Economic exclusion, na nangangahulugan sa pagkait ng access sa mga economic entitlement at pag-limit ng paglahok sa labour market. Hindi namin pinapayagan ang content na nagtatalo para sa mga limitasyon ng military sa batay sa kasarian, nagpapatupad ng batas, at mga trabaho sa pagtuturo. Pinapayagan din namin ang parehong content batay sa sekswal na oryentasyon, kapag ang content ay batay sa mga paniniwala ayon sa relihiyon.
    • Social exclusion, na nangangahulugan na mga bagay tulad ng pagtanggi ng access sa mga space (physical at online) at social services, maliban para sa sex o gender-based exclusion sa mga space na karaniwang limitado ayon sa sex o kasarian, tulad ng mga restroom, sports at sports leagues, kalusugan at mga support group, at mga partikular na paaralan.
  • Mga pang-iinsulto, kasama ang mga tungkol sa:
    • Character, kasama ang ngunit hindi limitado sa mga paratang ng kaduwagan, hindi tapat, basic criminality, at sexual promiscuity o iba pang sexual immorality.
    • Mga mental characteristic, kasama ang ngunit hindi limitado sa mga paratang ng stupidity, intellectual capacity, at sakit sa isip, at hindi suportadong pagkumpara sa pagitan ng mga PC group sa batayan ng likas na. intellectual capacity Pinapayagan namin ang mga paratang ng sakit sa isip o abnormality kapag batay sa kasarian o sekswal na oryentasyon, nasabing pampulitika at pangrelihiyon na usapan tungkol sa ransgenderism at homosexuality at karaniwang paggamit ng hindi seryosong salita tulad ng “weird.”
    • Iba pang bahagi, kasama sa ngunit hindi limitado sa mga paratang ng pagiging walang kwenta, walang silbi, kapangitan, pagiging, pagkamarumi.
  • Mga pahayag na sina-suggest na nagdudulot ng sakit ang target, kasama ang ngunit hindi limitado sa “nasusuka ako.”
  • Tina-target ng pagmumura, maliban sa pagmumura na batay sa kasarian sa isang romantic break-up na konteksto, tinutukoy bilang:
    • Tina-target ang paggamit ng “fuck” o pagkakaiba ng “fuck” na may layunin na mang-insulto, tulad ng “Fuck the [Protektadong Katangian]!”
    • Mga salita o parirala na nananawagan ng pakikibahagi sa sekswal na aktibidad, o contact sa ari, puwit, tae o ihi, kasama ang ngunit hindi limitado sa: suck my dick, kiss my ass, eat shit.
Para sa sumusunod na Mga Pamantayan ng Komunidad, humihingi kami ng karagdagang impormasyon at/o konteksto para sa pagpapatupad ng:
Huwag mag-post ng:
  • Content na malinaw na nagbibigay o nag-aalok na magbigay ng mga produkto o serbisyo na ang layunin ay baguhin ang sekswal na oryentasyon o kinikilalang kasarian ng mga tao.
  • Content na nang-aatake sa mga konsepto, institusyon, ideya, gawi o mga paniniwalang nauugnay sa mga protektadong katangian, na malamang na magresulta sa napipintong pisikal na pinsala, pananakot o diskriminasyon sa mga taong nauugnay sa protektadong katangian na iyon. Tinitingnan ng Meta ang mga hanay ng palatandaan para matukoy kung mayroon mang pagbabanta ng pinsala sa content. Kasama rito ang ngunit hindi limitado sa: content na manghihimok ng napipintong karahasan o pananakot; mayroon mang panahon ng tuminding tensyon tulad ng isang eleksyon o ongoing na conflict; at kung mayroong kamakailang nakaraang karahasan laban sa pinupuntiryang protektadong grupo. Sa ilang mga pangyayari, maaari rin naming isaalang-alang kung ang nagsasalita ay isang public figure o may posisyon na may awtoridad.
Sa ilang sitwasyon, papayagan namin ang content na maaaring lumabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad kapag natukoy na satirical ang content. Papayagan lang ang content kung ang mga lumalabag na elemento ng content ay kinukutya o inuugnay sa isang bagay o sa ibang tao para hamakin o punahin ang mga ito.
Tandaan: kung ikaw ay European Union user, at nakakakita ng content na naniniwala kang nilalabag ang mga batas sa hate speech sa iyong bansa, pwede kang mag-submit ng legal na request ng pag-alis sa Facebook o Instagram.
Mga experience ng user
Tingnan ang ilang halimbawa kung paano isinasagawa ang pagpapatupad para sa mga tao sa Facebook, tulad ng: kung paano mag-report ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi dapat nasa Facebook, masabihan na nilabag mo ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at makakita ng warning screen sa partikular na content.
Tandaan: Palagi kaming nagsusumikap na mag-improve, kaya maaaring bahagyang luma ang nakikita mo rito na kumpara sa ginagamit namin sa kasalukuyan.
EXPERIENCE NG USER
Pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Komunikasyon pagkatapos ng pagre-report
EXPERIENCE NG USER
Experience sa pagtanggal
EXPERIENCE NG USER
Mga warning screen
Data
Tingnan ang pinakabagong Report sa Pagpapatupad ng Mga Pamantayan ng Komunidad
Pagpapatupad
Pare-pareho ang aming mga patakaran sa buong mundo, para sa lahat ng nasa Facebook.
Mga review team
Nagtatrabaho araw-araw ang aming global team na may mahigit sa 15,000 reviewer para panatilihing ligtas ang mga tao sa Facebook.
Pakikibahagi ng stakeholder
Nakakatulong ang mga panlabas na eksperto, academic, NGO, at gumagawa ng patakaran na ipagbigay-alam ang Mga Pamantayan ng Komunidad ng Facebook.
Humingi ng tulong sa mapoot na asal
Alamin kung ano ang magagawa mo kung makakita ka ng anumang bagay sa Facebook na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad.
Bisitahin ang aming Help Center